2

2.2K 57 7
                                    

"Besh!"

Halos mapatalon ako sa sigaw ni Den.

"Kanina pa ako nagsasalita dito tapos nakatulala ka lang dyan!" Nako po. Nakataas na naman ang kilay nya.

"Sorry im spacing out." Sincere kong paumanhin.

Hindi pa din kasi sya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

Yung physical injuries kaya nyang indahin lahat pero what happened emotionally really takes a toll on her.

She learned how to get drunk until she blacks out. She opened herself to the world of hangovers.

Nawala na din ang routined gym at physical therapy nya para sa injury nya. She also lost some weight and turned from being slim and sexy to thin.

"Ly..." Den calls to get her attention and hold her hand. "I know mahirap. Pero alam ko kaya mo yan. Kayanin mo para sa mga taong nagmamahal sayo."

Concern is evident in her voice and her face. Sa lahat ng messy decisions nya ay ito ang naaabala.

Sa tuwing malalasing sya sa bar. Malalasing sa condo.

Every hangovers. Ito ang nagaalaga sa kanya. Mabuti na lang at maunawain ang boyfriend nito dahil halos lahat ng oras nito ay nasa kanya na.

Pinisil nya ang kamay nitong nakahawak sa braso nya and smiled. She tried hard to smile and somehow she did smile for her.

"I will besh. I will"

Dennise is beautiful. No objections about that. Madami pa ding nahuhulog na lalaki at maging mga babae dito kahit na may boyfriend na ito. Madalas nga lang ay suplada kaya madami din naiinis ditong mga fans lalo na pag sinusumpong ng topak.

"Natunaw nako."pukaw nito sa malalim kong pagiisip.

Natawa naman ako ng marealised ang tinutukoy nya. Medyo matagal na din kasi akong nakatitig sa kanya.

"So sure ka na sa bago mong business?" Pagiiba nito sa usapan.

"Yep!"

"Kelan ka pa natuto ng pasikot sikot sa bar?"muli ay tanong nito.

"Secret partner lang naman ako eh. May magmamanage. Taga tingin lang ako at taga inom. Sakto para may discount na din ako twing magiinom." Pabirong pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Baliw ka talaga. Pero kung malilibang ka sa gusto mong gawin eh go! I will support you all the way!" Sigaw nito sa huling linya at itinaas pa ang baso then winked at me.

Napailing na lang ako. Madalas talaga ay baliw tong kaibigan kong to. Pero alam ko naman na yung ibang kabaliwan nya ay sinasadya nya lang para mapasaya ako.

"Ganda ko noh?"she again cut me from my deep thoughts.

Napapadalas akong matulala ngayon.

"Oo nga eh. Kaso taken ka na. Sayang naman. Liligawan sana kita." Pagsakay ko sa biro nya.

She blushed.

"Bagal mo kasi eh." Ganti nito. Hindi talaga to papatalo.

"As if may pag-asa ako." My teasing mood was turned on.

"Sinubukan mo ba?"

"You're as straight as a ruler besh. Mahirap ka baluktutin."pagkontra ko pa din sa kanya.

"Sinubukan mo ba?"pag-ulit nya ulit sa tanong nya.

"Too late for that." Sabe ko at nagiwas ng tingin. Hindi pa din ako nakakatagal sa mga ganung biruan kahit dati pa.

"Awkward! Ikaw ata ang straight eh! Mukhang ikaw ang hindi mababaluktot!" Ayaw pa din nitong tumigil. Mukhang may tama na sa iniinom nya. Iilan pa lang ang nauubos naming bote.

"Ako pa!" Really im on playing with her. "Ganito na lang, yung unang taong papasok dyan sa pintong yan na kakilala natin pareho will be my next partner."sabay turo sa entrance ng bar.

Ano bang sinasabe ko. Lasing na din ata ako.

"Wow! That's brave! What if babae yung pumasok dyan?" Patuloy sya sa paghahamon.

Kinabahan ako sa naisip pero ang lasing na Alyssa ay walang balak umurong. Not now. Not ever!

"Bring it on!"i cheered and raised my glass. She clicked her glass with mine.

Kaya ang sumunod naming pinagkaabalahan ay panoorin ang mga taong pumapasok ng bar habang umiinom. I pray hard na sana ay walang maligaw na kakilala namin ni Dennise.

Bawat pagbukas ng pinto ay napapainom ako sa hawak kong baso.

Isang buntong hininga naman ang papakawalan ko kapag hindi namin kakilala ang papasok.

I heard Dennise laughed and gave her a dagger looks.

"You look so tense besh. Breathe!"natatawa pa din nitong panloloko sakin.

Sasagot pa sana ako ng muling gumalaw ang pinto ng bar hudyat na mayroon na namang papasok. Muli akong napatigil sa paghinga waiting for that person to totally come inside.

Tuluyang huminto sa pag-ikot ang mundo nya ng tuluyang itong makapasok.

"No way!"

"Yes way!" Dennise cheered. "Mika!!!"

A/N
Please bear with me sa typo error, grammar at wa wentang update! I will try bumawi. Sana makabawi! 🤣🤣

Deal or no Deal (#teambabe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon