Alyssa
Muntik na akong ipagkanulo ng puso ko pagkarinig pa lang sa boses nya.Boses pa lang yun. Mas higit pa nung magtama ang mga mata namin at makita ko sa mga mata nya ang pagkasabik at matinding lungkot. Ano bang ginawa nya sa sarili nya at mukha syang pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura nya.
Mahihiya ang mga mata nya sa eyebags na pati kulay ay halata kahit sa malayo.
I miss her so much.
Kahit gaano pa kasakit ang harapan nyang pag-amin ng nararamdaman nya kay Jerome na hindi nya magawa para sakin ay hindi pa din sapat para tuluyan ko syang kamuhian. Kung bakit sa iba ay nagagawa nyang umamin ng ganun-ganun na lang kahit pa harapan na syang ginago at niloko pero sakin, sakin na walang ginawa kundi mahalin at pasayahin sya ay hindi nya man lang masubukang gawin.
Akala ko handa na sya dahil sa isang gabing pinagsaluhan namin kaya nagkaroon ako ng isang katerbang lakas ng loob para humarap sa kanila pero hindi pa rin pala. Isa ako, ang puso ko, sa namatay sa maling akala.
Sa ilang araw na paglayo ko, tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay mukha nya ang nakikita ko. Kahit sa panaginip ko sya pa rin. Nakakabaliw isipin na yung taong gusto mo munang iwasan kaya ka nagpakalayo-layo ay sya namang laging nasa isip mo.
Ayoko sanang pumunta ngayon. Pero hindi ko kayang iwan sa ere ang mga kasama ko dahil lang sa pansariling dahilan ko. Subalit mukhang nakasama pa lalo ang pagpunta ko dahil mukhang nahila ko silang lahat dahil sa mood ko.
Yung lungkot na nararamdaman ko ay nadagdagan pa ng matalo kami in four sets. Lahat ay nanlulumo subalit maaliwalas na ngiti lamang ang ibinigay nila sakin. Kung gusto man nilang magtanong malamang ay nahiya sila dahil walang naglakas ng loob na sumubok. Kahit si Jia ay nakangiti lang sa akin.
My body froze when I saw her and was about to walk in my direction kaya wala akong inaksayang oras at agad tumakbo palabas ng court hanggang sa parking lot. Medyo nadelayed dahil sa mga fans na namiss daw ako pero pinilit ko pa ding makalabas at magalang na iniwasan sila na agad nilang naintindihan. Any minute ay baka nandito na si Mika kaya kailangan ko ng makaalis.
Ng makalagpas sa mga fans ay nahagip ng mata ko si Dennise na nakatayo di kalayuan at nagtama ang mga tingin namin.
Tuwa at pananabik din ang masasalamin sa mga mata nya ngunit hindi sya nagtangkang lumapit sa akin. Nakatingin lang sya mula sa malayo which I am very thankful. Higit kaninuman ay sya ang talagang nakakakilala sakin kaya alam nyang gusto kong lumayo sa lahat.
Including her.
Nginitian ko sya bago lumakad palapit sa naghihintay na kotse ngunit bago tuluyang makasakay ay narinig ko pa ang pagsigaw ni Mika sa pangalan ko.
Napahinto ako.
She is shouting my damn name in front of everyone.
Does it mean she is ready?
Pero bakit ngayon lang?
Bakit kailangan ko pang masaktan?
Hindi ba nya alam ilang drum ng luha iniyak ko para sa kanya. Mas masahol pa sa sakit nung nahuli ko si Kiefer na may kasamang hubad sa kama ng condo nya yung naramdaman ko that time na sabihin nyang mahal nya pa din si Jerome.
"Ano sasakay ka ba oh sasakay?!" Dinig koang maarteng tanong ni Angge kaya agad akong sumakay at pinasibad nya ang kotse.
Ng gabing iyon at hindi ko alam kung saan pa ako tatakbo ay saktong tumawag sya at napanood daw nya ang mga nagkalat ng video ng pagcome out ko kung kaya hindi na ako nagdalawang isip at nanghingi na tulong na kung pwede ay ampunin muna nya ako. Hindi naman sya nagdalawang isip at agad nya akong sinundo.
BINABASA MO ANG
Deal or no Deal (#teambabe)
Fanfiction#MikaSa Love story A deal that will change their whole life forever.