Mika
The following days were hectic for her and the team since the PSL new season officially started and they are all eager to get the championship.Alyssa, on the other hand is very consistent on showing her feelings by her sweet antics everyday.
Mukhang hindi nga ito nauubusan ng pakulo.
******
First day ng morning training nila at lahat sila ay nakahiga lang sa gym habang naninibago sa phasing ng training at syempre nag-aadjust din ang katawan nila dahil medyo napahinga din ng may dumating na hindi nila inaasahan."Food delivery for Mika Reyes!" the delivery man shouted as he enters the gym.
Halos sabay - sabay silang nag-angat ng tingin sa narinig at mabilis pa sa alas kwatrong nagsitayuan upang dumugin ang delivery boy.
Dumadami na talaga ang may motto ng "Food is Life" ngayon.
"Kuya kanino galing?"tanong ko sa nagdeliver pero mukhang hindi rin naman nito alam kaya hindi na lang sya namilit.
Ng buksan nila ang mga styro ay umuusok na pancakes ang laman nito.
"Mmmmm.."sabay sabay silang napasinghot at napapikit pa.
Bumilog na lang kame sa gitna ng court at dun na binuksan ang mga styro ng pancakes.
Nagsimula na kaming kumain at talaga nga namang napakasarap ng pagkakagawa.
"Mika, sino to ah?"tanong ni Ate Wensh habang ngumunguya ng pancake.
Nagkibit-balikat lang ako habang patuloy din sa pagkain.
In the back of her mind ay iniisip na nyang tanungin si Alyssa san nakakabili ng napakasarap na pancakes para makaulit sila.
******
Isang tanghali naman ay lutong bahay ang natanggap nila para sa buong team.Sinigang, adobo, lechong kawali at pritong isda.
Kumikislap ang mga mata nila habang sinisimulang tibagin ang masasarap na pagkain na nasa harapan nila.
Alyssa had surely has her way through her at yun ay ang pagkain.
Tinawagan nya ito para magpasalamat pero si Dennise ang sumagot dahil nakatulog daw ito.
Awtomatikong tumaas ang kilay nya sa narinig.
"Natanggap nyo na ba yung lunch na niluto nya?"maya maya ay tanong nito na talaga namang gumulat sa kanya. Nanlalaki pa ang mata nya at nakatakip ang isang kamay sa bibig.
"She cooked all this food?"hindi pa din makapaniwalang tanong nya.
"Oo. Maaga nga kami nakipagsiksikan para mamili dahil gusto nya fresh at ayaw ifreeze yung ingredients. Kaya ayun knockdown."halata din ang pagod sa boses nito at maya maya ay nagpaalam na din ito at uuwi na daw para matulog na din.
Napangiti sya sa nalaman. She surely earned a gandang gwapo points for that.
******
The next day ay isang boquet ng lilies ang dumating para sa kanya with a note:This flower says all i want to say to you.
-BabeSince that day ay consistent na ang pagpapadala ng lilies sa kanya. Minsan boquet or sometimes just a stem that a random stranger will hand her everytime she will walks out of the gym after practice.
BINABASA MO ANG
Deal or no Deal (#teambabe)
Fanfiction#MikaSa Love story A deal that will change their whole life forever.