Ara
Lumabas sya sandali at tinungo ang kanyang sasakyan upang dalhin ang mga gamit ni Bang dahil sya na ang maghahatid dito.Pabalik na sana sya ng mapansin ang isang pamilyar na babae.
Hindi sya nito napansin hanggang makalapit sya at doon nya nakompirma ang hinala.
"Alyssa?" Patanong pa din nyang tawag dito.
Napansin nyang nagulat ito at nakita nya rin ito sa kanyang mga mata ng humarap sa kanya.
"Ara! H-hi!" Napakunot-noo sya dahil high pitched ang pagbati nito sa kanya.
"Hi. Kim said you couldn't make it dahil may lakad ka daw. Nakita ka na ba nya?" She asked Alyssa at nakita nyang parang kinakabahan ito.
Bakit naman.
"Yeah. Susunod sana ko kaso nakita ko puno na sa loob. Kaya lumabas ulit ako at uuwi na sana."she is not looking at her while saying that and she really looked so tense. Nagtataka man ay hindi na lang nya pinansin.
"Okay let's go. Don't worry kasi may pwesto naman na tayo sa loob and nandito din yung team nila Bang kaya for sure matutuwa yung mga yun na makita ka. At saka, nandito din si Daks." Pang-aasar pa nya at binigyan ito ng nakakalokong ngiti.
Namula naman ito at hindi agad nakaimik kaya sinamantala nya yun at hinila pabalik sa loob ng bar. Nakasalubong pa nila on their way in ang bandang kakatapos magperform pero hindi kasama ng mga ito ang vocalist.
"Sayang hindi mo sila naabutan. Ang galing kumanta ng vocalist nila."tuwang tuwang nyang kwento sa tahimik pa ding si Alyssa.
Hindi pa din ito nagsalita ulit hanggang makalapit sila sa table ng F2.
"Look who i found."masayang deklara nya na para bang nanalo sa loto sa natagpuan.
"Alyssa!" Agad na tumayo si Kim at tumakbo palapit sa kanya. "Putcha ang hot mo!"sabi pa nito at tinignan si Alyssa from head to toe. Sinapak naman ito ni Alyssa na tinawanan ng buong team.
Nakashorts lang ito, hoodie at vans. Nakalugay din ang mahabang buhok na tinernuhan ng puting cap.
"Nandito din sila Yeye." Masayang dugtong ni Kim while wiggling her brows. Muli ay namula si Alyssa.
Napangiti sya dahil sa obvious na epekto ng kaibigan nila kay Alyssa. Napansin nya ang alinlangan kay Alyssa na lumapit sa pwesto nila Mika kaya nagtaka sya. Ang natatandaan nya ay may pagkapalaban itong si Alyssa na suyuin si Mika nung gabing nalaman nila ang nararamdaman nito.
Hindi marahil ito napansin ni Kim dahil abala ito sa paghila kay Alyssa palapit kila Mika.
"Guys, bisita pala namin."agaw pansin ni Kim ng makalapit sila.
Mika's surprised reaction is obvious dahil nanatili lang itong nakatingin sa gawi namin. Ganun din si Alyssa na hindi naman makatingin sa gawi ni Mika.
"H-hi." Alyssa stammered but managed to smile to the group.
======== ======== ======== ======== ========
Mika
Standing in front of her is the reason of her chaotic mind.She doesn't know what to say. Nung isang araw lang ay iniisip nya kung paano kakausapin si Alyssa at ngayon nga ay nakatayo na ito sa harap nya.
Hindi man nya aminin ay namiss nya kung paano nito pasakitin ang ulo nya sa kung anu - anong pinagsasabi at pinaggagagawa nya.
BINABASA MO ANG
Deal or no Deal (#teambabe)
Fanfiction#MikaSa Love story A deal that will change their whole life forever.