40

1.5K 66 13
                                    

Alyssa

"Sinugod kami ng girlfriend mong hilaw dito." Angge told me right after I settled myself in the couch. I just went back from Batangas to visit my family. They've been calling me nonstop when I decided to open my phone yesterday.

Shock was written all over my face.

The last scenario on my mind right now is Mika standing in front of Angge's doorstep. I think I am not yet ready to face her or listen to whatever she wants to tell me.

Or the feelings that I will feel when we talk or if I will be able to handle it well.

"Hanga din ako sa lakas ng loob/kapal ng mukha nya para pumunta dito at hanapin ka sakin." I don't know if she is mocking Mika or she adores her for being brave for asking her my whereabouts.

"What did you tell her?" I asked really curious of what happened.

"That you are not here." she snorted.

"With that same tone and facial expression?!" I asked in disbelief. Mataray na nga ang itsura nya kahit hindi nagtataray ay mas lalo pa pag nagmaldita sya.

"This is my default face so wag mo kong malakihan ng malaki mo ng mata at baka lumuwa yan. Pareho kayo ni Glaiza magsama kayo!" She said while walking out of her living rrom.

"Nasama ko dyan?" Nagtatakang tanong ni Glaiza na bitbit pa ang umuusok na adobo.

"Pareho kayong malaki ang mata!" Si Angge na ang sumagot na biglang bumalik at agad na lumapit sa table para tikman ang niluto ni Glai. "The best talaga kayong magluto ni Ysay ng adobo kaya diko kayo mabitawan bilang kaibigan ko eh."

"Nahiya naman kami sa lakas mong kumain na ikaw pa ang tila napipilitan!" Si Glai na pinaglalagay na sya ng gabundok na kanin at adobo.

"Mabalik tayo kay Mika, ano pang nangyari pagkatapos mong tarayan?" Muli ay tanong ko na ikinataas ng kilay nya.

"Uulitin ko, default face ko 'to kaya hindi ko sya tinarayan. Hep!" Putol nya ng akma akong magsasalita. "At take note, kahit ganito ang mukha ko at halos umabot na sa hairline ko ang kilay ko dahil sa sobrang pagtaas ay hindi sya natinag at nagpilit pang ilabas ka. Aba kung nandito ka lang baka naantig na ang puso ko ang hinand over na kita sa kanya."

Tinaasan ko sya ng kilay though mas mataas pa din talaga ang kilay nya nung humarap ako sa kanya. Aba't anong akala niya sakin "lost and found" na gamit na hinahanap na ng may-ari kaya agad-agad nyang ibabalik.

"Pero pasalamat ka at wala sya at sa katagalan ay tinablan na ng hiya at hindi na nagtagal." Mataray pa din nitong sabi habang panay ang turo sakin ng hawak na tinidor.

"Yun phone mo pala nakabaon jan sa isa sa mga couch kasi naiirita si amiga sa non-stop na pagtunog." Singit ni Glaiza at muli akong tinaasan ng kilay ni Angge habang nilalakihan din ng mata. Kulang na lang ay gawin nya akong karne sa ulam nyang adobo na anytime ay tutusukin nya ng tinidor.

Oo nga pala nakalimutan ko yung patayin bago ako umalis. Bakit di na lang nila ini-off diba?

"Hindi namin inoff. Mas gusto daw kasi nyang ilibing ng buhay yung phone mo." Tila naman nabasa ni Glai ang iniisip ko sa sagot nya.

After eating ay agad kong hinanap ang phone ko sa couch at nandun nga na halos mabasag nang nakasiksik sa isa sa couch nya. Napailing ako dahil nakapatay na ito. Marahil ay nalowbat na dahil sa dami ng nareceived na tawag at notifications.

Agad ko itong chinarge at binuksan makalipas ang limang minuto.

Wala pang limang segundong nakabukas ay nagring ito agad at rumehistro ang number ng Team Manager namin sa CCS. I am torned between ignoring it and the thought that they never let me down so in the end, i pressed the green button.

Deal or no Deal (#teambabe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon