18

1.8K 45 5
                                    

Mika

Hindi pa rin makapaniwala si Mika sa bilis ng mga pangyayari sa pagitan nila ni Alyssa.

Simula ng gabing iyon kung saan nagpost si Denden ng picture nila ni Alyssa ay sumasabog lagi ang notifications nya ng IG at Twitter sa mga post at convo tungkol sa kanila.

Ang mga dating hopeless shippers (as they call it) ng bawat UAAP loveteam na pinopromote nila ay nagtatalo talo sa social media. Sa lahat ng ito ay laging napagkakaisahan at napagtutulungan ang mga fans ng MikaSa love team. Ang love team kuno nila ni Alyssa.

Lagi ay nasasabihan ng makapal ang mukha at ambisyosa ang mga ito dahil kahit ano daw ang gawin nila ay hindi magkakatotoo at lulubog ang barko ng siniship nila.

Nung una ay naguguluhan sya sa terminologies nila pero ng makausap ko sina Kim at Ara ay pinaliwanag nila sakin.

Simula din noon ay lagi na din silang napagtitripan ng mga kaibigan.

Madalas pa din silang lumalabas bilang grupo para tulungan pa din si Alyssa na makasama ako ng hindi nagtatago or nakakakuha ng atensyon ng media at public eyes.

Kumukuha sila ng mga stolen pictures namin at saka magpopost sa IG ng kung ano ano kung kaya napagpyestahan sila ng bongga.

Naging mainit din sila sa mata ng mga fans at maging ang mga ito ay kumukuha na ng mga stolen pictures nila at gumagawa na ng mga storya tungkol dito.

Lalo syang nabahala dahil tila lalo silang naissue. Nahirapan na din silang lumabas dahil kahit saan magpunta ay may mga fans na kumukuha ng pictures nila.

Dumadalas na naman ulit ang mga bashers niya sa social media. Muli ay naungkat ang mga dating issue nila na kaya sya lumalapit kay Alyssa ay dahil sa popularity.

Nagkaroon na naman ng mga comparisons which ends up her being on the bad side sa mata ng mga tao.

Bumangon ang inis nya para kay Alyssa ngunit sa tuwing gagawa ito ng effort para maging komportable sya ay unti unti itong nabubura.

Wala pa din itong palya sa pagbibigay sa kanya ng lilies araw araw kahit medyo dumalang ang pagkikita nila.

Nalalapit na din kasi ang pagsisimula ng PVL at nagsisimula na din syang magtraining for Creamline pagkatapos makarecover fully with her recent injury.

Naputol ang pagmumuni muni nya ng makarinig sya ng ingay ng mga taong nagsisigawan mula sa labas ng gym.

Yeah... Dumami na din ang mga fans na tumatambay sa labas ng gym tuwing may praktis sila para makakuha ng 'ganap' mula sa kanila ni Alyssa.

Minsan kasi ay pinuntahan siya ni Alyssa para ayaing kumain ng dinner sa labas.

Well, technically she is with Denden, Ella, Bea, Kim, Ara, and Jia that time pero dahil nga magaling ang imahinasyon ng mga hopeless MikaSa  fans, they've concluded that others were just for a show at balak lang talaga syang sunduin ni Alyssa.

Syempre as expected, KiefLy fans object and bashed her throughout the week.

Muli ay naputol ang pagbabalik-tanaw nya sa mga naranasan sa fans ni Alyssa ng mapansing tila lumalakas ang sigawan ng mga tao. Dumako ang tingin niya sa pinanggagalingan ng ingay at nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

Si Alyssa habang nagpupunas ng pawis.

Agad itong ngumiti ng magtama ang mga mata nila at masiglang kumaway ito bago patakbong lumapit sa kanya.

'Not again!' Mika cried in her thoughts while watching Alyssa run in her direction.

"Hi babe!"yumuko ito at nagsalita ng medyo mahina.

Deal or no Deal (#teambabe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon