31

1.7K 68 15
                                    

Mika
That is probably the longest night of my life.

Bukod sa napagsabihan ako nila Ara at Kim ay sobrang nabadtrip pa ako kay Jerome.

Sobrang papansin! Kung makaasta akala mo jowa.

Kung maeskandalo lang akong tao kanina pa sya napahiya sakin.

Hindi na rin kami nagtagal at nagkayayaan nang  umuwi. Nakakatawa lang dahil halos wala pang isang oras kaming nagstay pack up na. Alam ko ring kadarating lang din nung iba. Magkasunuran lang kami nila Ella dahil nakita ko pa silang papasok ng bar.

Pero mabuti na rin yun kesa magtagal pa kaming magkakasama eh obvious naman yung awkward na sitwasyon. And para maiwasan na din ang further damage kay Alyssa.

Haay.

Sya na naman ang nasaktan. Wala na akong ginawang mabuti para sa kanya. Yung pakiramdam na isa akong malaking kamalasan sa kanya at lahat ng negative ay ako ang nagdadala sa buhay nya.

Siguro kung hindi ako sinundan ni Jerome sa bar ay tiyak na magkasama kaming uuwi ni Alyssa sa condo nya at ako ang unang maggu-goodluck sa kanya para sa laro nila bukas.

Daming kong "what ifs" sa buhay. Pwede naman sanang tanggapin ang "what is" eh kung makapag-inarte lang ako akala mo ako ang kauna-unahang babae na magsasabing bakla ako.

Hindi mo talaga malalaman ang totoong hirap o dali ng isang sitwasyon unless ikaw na mismo ang nakakaranas.

Habang nagmamaneho ay parang may sariling isip ang mga kamay ko na kumabig patungo sa direksyon ng condo ni Alyssa at ilang sandali pa ay nakapark na ako malapit sa building at naglalakad papasok ng building.

Nakailang buntong-hininga ako habang sakay ng elevator hanggang sa huminto ako sa harap ng pinto ng mismong unit nya.

Ilan pang malalalim na buntong-hininga ang pinawalan ko bago tuluyang nagkaroon ng lakas ng loob na magdoorbell.

Nakakailang pindot na ako at nagawa ko na ding kumatok ngunit walang Alyssa na nagbubukas.

Tulog na kaya sya? Tanong ko sa sarili ko.

Well its been one hour since they left the bar and may laro pa sila bukas so baka nga tulog na sya.

Pero sadyang makulit din ako madalas.

I decided to send her a message at nagbabakasakaling nasa kwarto lang sya at hindi naririnig na may nagdodoorbell. Ayoko namang tawagan dahil kung natutulog na nga sya ay baka maistorbo ko pa.

To: Babe 😍

Hey! I am here outside. Still up?

I sent the message at naghintay ng ilang sandali ngunit nakalipas na ang sampung minuto ay wala pa ding reply. Nakailang palit na din ako ng posisyon at pwesto sa paghihintay sa labas at ngayon nga ay nakaupo na ako sa floor ng hallway dahil nangawit na akong tumayo.

Siguro nga ay tulog na sya.

Nagbakasakali lang naman ako. Bulong ko sa sarili ko bago nagpasyang tuluyan ng umuwi. Hahanap na lang siguro ako ng pagkakataon para makausap sya ulit.

Bagsak ang balikat at matamlay akong naglakad to where i parked my car earlier.

I should feel energised dahil sa championship na muli ay nabawi namin but im feeling otherwise.

Sa pagkakalukot ng mukha ko ay daig ko pa ang natalo sa game.

Muli kong tinignan ang building ng condo ni Alyssa bago nagdrive palayo.

======== ======== ======== ========
Alyssa

"Don't you dare open that door Alyssa." Mahina at mahinahon ngunit puno ng pagbabantang sinabi ni Denden ng muli ay marinig namin ang pagtunog ng doorbell at sinundan ng katok at pagtawag mula kay Mika.

Deal or no Deal (#teambabe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon