Chapter 1: Pathetic

1K 29 2
                                    

Pathetic

"Allisha!"


Mabilis akong napabaling sa aking likuran kung saan malakas na isinigaw ng isang pamilyar na boses ang aking pangalan.

'Tsk! Agaw atensyon na naman ang isang to'

mabilis na lumapit ang babaeng may mahaba at umaalong kulot na buhok, mahahabang pilik mata at kapansin pansing kulay porselana nyang balat at maging ang balingkinitang pangangatawan na mas nag paganda pa sa kanyang tangkad.

Bahagya pa syang tumingin sakin mula ulo hanggang paa.

'Problema neto?'

Paulit ulit nyang ginawa iyon kaya di ko na mapigilang sapukin sya.

"aray naman! Allisha Gwen, mashakit yun ah! Pasigaw na reklamo pa nya sabay himas sa kanyang ulo.

"Hinaan mo nga yang boses mo, ka aga aga para kang talakatak kung maka talak e!"

"E, kasi naman kanina pa po akong nag hihintay sayo. Mahal na prinsesa. Kasi po late na late ka na! Hu hu hu! Ako na nga yung nagmamalasakit sayo e. Tapos hinintay pa kita dito" mahaba nyang litanya na kunwaring umiiyak pa, hayyy! Kailan ba ko masasanay sa babaeng 'to?

"teka, wala naman akong sinabi na hintayin mo ko dito diba?" Paglilinaw ko sa kanya.

"Pero kasi--" di ko na pinatapos pa ang sasabihin nya, dahil alam ko namang magdadrama lang ito. Marami pa namang tao dito sa labas ng school...

nakakahiya.

"Oo na sige na! Tara na" sabay higit ko sa braso nya.

Walang tigil ang pag kukwento ni Liane sa nakaraang outing ng pamilya nila sa Cavite kasama ang kakambal nyang si Liam, na mas doble ang kabaliwan at kalokohan sa kanya. Wala naman akong nagawa kundi ang makinig.

kapansin pansin ang tahimik na mga rooms sa bawat corridor na aming nadadaanan, dahil na rin sa kanina pang nagsisimula ang klase.

pagkadating namin sa room ay kaagad na napalingon saamin ang aming striktong prof. Sa Oral Com. Kasabay na bahagyang pag sulyap ng aking mga kaklase. Tumigil sya sa pag tuturo at tumingin sa amin, tunay kaming nagulat marahil ay hindi na nya kami sinita at nagpatuloy na sa pag sasalita sa unahan na parang walang napansing dumating.

When it RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon