Chapter 22: Memories

81 3 4
                                    

Memories

Allisha Gwen's POV

Minsan talaga ay mga bagay na hindi pwedeng kontrolin ayon sa kagustuhan mo, like every rivers flow... you can't stop it unless it runs out of water. Tulad rin ng pag ibig hindi pwedeng pigilan at diktahan...kusa lang na nararadaman. Hindi ko kayang pigilan ang pag balik ni Gavin dito sa Pilipinas, wala rin akong karapatan para gawin iyon. Pero hindi ba pwedeng wag na lang siyang bumalik dahil alam niyang may masasaktan? o baka naman kaya siya babalik dahil wala naman talaga siyang pakealam?

Masakit isipin lahat lahat, pero hindi ko mapigilan ang isang emosyong ayaw ko ng pangalanan. I'm really curious about him. Kumusta na ba siya? Sila pa rin kaya ni Yasmin? pero kung sila pa ni Yas bakit parang ang init ng ulo niya tuwing nakikita niya ako? kung sila pa wala akong nakikitang dahilan para magalit siya sakin.

Naalala kong sophomore pa kami nang naging sila. She' always that vocal on how she hates me everytime Kier is not around. I hated her guts too, but then it's all just for insecurities I admit.

It is funny how someone doesn't give a damn when you're hurting, they're happy seeing you in pain.

Kanina pag uwi ko galing Moonlight Cafe ay nagtext ako kay George na umuwi na ako.

To George:

Joji, umuwi na ko. Pakisabi na lang kila Jash at Liane. Salamat!

From George:

Osige, kumusta naman ang usap niyo ni Ate Colleen? I hope it is not what I'm thinking. And please stop calling me Joji!

Tipid akong napangiti, until now she hates calling her Joji. Tss...Siya ang napili kong sabihan para sana hindi na magtanong, pero nagkamali yata ako. Kaagad rin naman akong nagreply bago pumunta sa bathroom para maligo.

To George:

You think right, I guess she wants me to be loyal to her bestfriend. Kahit ako na ang nasasaktan, hindi na 'yon bago sakin pero hindi ko mapigilang mainis tuwing sinisimulan niya. Goodbye I'm going to sleep. Ingat kayo pauwi!

Nang matapos sa pagligo ay inayos ko ang hihigaan para matuloy, sobrang pagod ang nararamdaman ko. Pagod sa pisikal, emosyon at pati ang utak ko'y tila pagod din sa lahat.

Habang nakapikit ang aking mga mata, naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone sa gilid ko. Kinuha ko iyon at nang makitang si Van ang tumatawag ay sinagot ko iyon, nakaramdam ko ng matinding guilt. Guilt dahil nakalimutan ko siya.

"Allisha..." mahinahon ang kanyang boses tila nang hehele.

I cleared my throat trying to stop the guilt creaping all over me.

"hmmm...?" sagot ko, dinig ko ang pag hinga niya ng malalim.

"You didn't watch my game" napapikit ako dahil sa malamyos niyang tinig.

"I did"

"But you didn't finish, akala ko pa naman ikaw ang unang sasalubong sakin pagkatapos ng laro."

"Tss, kayang mong maglaro ng wala ako. Nanalo naman kayo hindi ba?"

"O-oo"

"Eh yun naman pala e!

"Tsk! kumain kami sa Casa Blanca kanina... wala akong gana dahil hindi kita nakikita--"

"I'm sorry"

"Hayy ano pa nga ba? kung hindi lang kita gusto e" kunting katahimikan... hindi pa rin talaga ako sanay kahit na ilang beses na niyang sinabi sakin ng harapan.

When it RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon