Chapter 2: Cold

603 17 0
                                    

Cold

Hindi ko parin magawang kalimutan ang mga sinabi ni Yasmin kanina. Alam naming pareho na sya ang matagal ng mahal ni Gavin kaya walang alinlangan at may pagmamalaki nyang ipag sisigawan sa mundo, na sya ang tunay na mahal nito.

'Ano ba ang gustong iparating ni Yas? E, sila na nga nung lalaking yon, makapag parinig sya! kung akala nya na aagawin at hahabol ako kay Gavin well, she must think AGAIN!' Haaay! Ka highblood.

Kung sabagay....

'Ako, ako lang naman ang umasa at nagbigay ng ibang kahulugan sa mga kilos at trato sakin ni Gavin' pag amin ko sa aking sarili, ngunit sino ba naman ang hindi mag aakalang may nararamdaman sya saakin kung ang mga kilos at gawi nya ay nagpapakita ng sobrang pag aalaga at nagsasabing special ako.

'Ganon rin kaya ang iisipin at mararamdaman ng iba? O ako lang talaga itong madaling magpadala sa sarili kong iniisip at nararamdaman?

yan ang madalas na nagiging tanong ko sa aking sarili noon. Pero ngayon nauntog at nagising na ako sa aking panaginip, panaginip na ngayon para sa akin ay isang masamang bangungot na lamang.

Kadalasan kasi sa ating mga tao ay madaling magpadala sa ating nararamdaman, 'even when it means you're just assuming and expecting things, that leads to your own disappointments in your life'

'Well, stop Allen. Go back to your senses that's all in the past!'

--

Pagkatapos kong magbasa ng ilan sa mga coverage ng quiz sa major subject ko sa hapong iyon ay napatingin ako sa orasang nakasabit sa aking kwarto dito sa apartment. 6:30 na pala, halos isa't kalahating oras rin akong nag review at gustong gusto ko na talagang kumain ng hapunan, kaya naisipan kong bumili muna ng makakain sa labas. Tama na ang ulam at isang order na kanin sa karinderya ni Aling Precy. Dalawang kanto lamang ang layong ng karinderyang madalas kong binibilhan tuwing wala akong pagkain at niluto sa apartment.

Agad akong lumabas at naramdaman agad ang pag yakap sa akin ng malamig na hangin at makulimlim na langit.

"Shocks! Bakit ba nakalimutan kong mag dala ng payong! Aiish kaasar!" Matinding sermon ko sa aking sarili, habang mabilis na napatakbo papunta sa karinderya dahil sa mga munting pagpatak ng ulan, malapit na rin naman ako kaya babaliwalain ko na lang at patuloy parin ako sa pag takbo.

Ng makarating ako ay marami parin ang tao sa loob at patuloy ang ibang kadarating lang rin katulad ko para bumili o kaya ay kakain mismo dito sa loob ng karinderya.

Ng makabili ako ay patuloy at mas lalong pang lumakas ang ulan kaya naman wala akong nagawa kundi ang sumilong muna at maghintay sa pag tila nito.

"Gwen, ano ang napapansin at nararamdaman mo kapag umuulan?" Seryoso ngunit may halong pag ngisi nyang tanong saakin.

Hindi ko maiwasan ang pag tigil sa aking pagsusulat ng marinig ang tanong mula sa kanya. Natatawang ibinaba ko ang ballpen sa aking upuan.

"Hahaha! Anong klaseng tanong yan? syempre malungkot! At nakakairita kasi madudumihan lang ang sapatos ko kapag lulusong ako sa ulan!

Ayoko ko talaga kapag naulan' sambit ko ng may halong pagkairita dahil sa naiisip ko tuwing naulan ay maputik at tunay na nagdudumi ang aking sapatos.

'Bakit mo ba natanong? Ikaw ba anong nararamdaman mo kapag naulan? Wag mong sabihing masaya ka pag naulan?' Tanong ko sa kanya.

Tumingin sya diretso sa aking mata at nakangiting nag salita'well Gwen, always remember that every one wants happiness, no one wants burden and suffering. But you can't have a rainbow, without the rain....'

napatulala at napatingin ako sa kanya, bakit ang lalim at ang seryoso naman ng lokong to'
Tumahimik at nagkatinginan kaming dalawa,
HAHAHAHAHAHAHA! sabay na napahagalpak ng tawa ng mapansing masyadong naging seryoso ang naging usapan.

Hindi ko na namalayan na tumila na pala ang ulan, dahil sa aking naalala. Agad naman akong nag lakad at pinagsawalang bahala ang aking naisip.

'I feel the sudden cold again'

--

Please do Vote and Comment
Thank you Guys! Lovelots😚😚😚

When it RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon