Chapter 7: Stop

325 13 0
                                    

Stop

Dahil maaga pa bago ang 5 pm. Ay naisipan ko ring tingnan ang iilang mensahe sa cellphone ko. Merong message sa iilang mga kaklase kong base sa nilalaman ay group message unang kong binasa ay ang galing kay Jashrille.

JASHRILLE:

Hey! Gorg. I'm here at Town Plaza with Kuya and Dad, waiting for mom. Kuya's can't stop annoying me please help me😭. Hahaha BTW, See you tomorrow guys! Miss you mwuah 😘

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa natanggap na text galing sa kaibigan, marahil ay inaasar na naman sya ng kuya Vince nya, hindi ko alam pero si ay parang si Liam din ang ugali sa kanilang kapatid. Mas matanda nga lang siya ng isang taon sa amin 'Sobra kung mangasar at mangulit!"

Bahagya akong nagulat dahil sa malakas muling pag vibrate ng aking cellphone.

Agad ko itong binasa ng mapansing si Pierre pala ang nag text na nagpapaalala tungkol sa pagpunta kila Van. Kaya kahit tamad na tamad ay agad akong tumayo at nag ayos ng aking sarili. Tanging loose white t-shirt at ripped jeans lang ang aking suot, pinasadahan ko ng suklay ang mahaba at natural na kulay brown kong buhok. Pagkatapos ay tumingin muli sa maliit na salaming naka dikit sa aking kwarto.

Nang makarating sa sinasabing exclusive Subdivision ay di ko parin mapigilang humanga dito. Kapansin pansin ang magagandang halaman at tanim na bulaklak sa gilid ng daanan na halatang iniingatan at alaga sa dilig, dahil sa magandang sibol ng mga bulaklak ng gumamela at iba pang mga bulaklak. Sa malawak namang daan ay ang nasa pagitan nakatayo ang stoll kung saan nagbabantay ang guard.

Naghihintay na nga sila sa akin, halatang kanina pa sila dito. Nakakahiya man ay mabilis akong tumungo sa kanila. Pansin ko ang masamang pagtitig sa akin ni Kath marahil ay naiinis at naiirita sya sa matagal nilang paghihintay.

"O. M. G at last the Princess is here! Bring her some food and water please... she seems tired of coming here" sarkastikong pagbanggit ni Kath na may halong pagkadisgusto sa akin.

Ang ibang members naman ay nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa na tila naghihintay ng susunod na eksena sa Pelikula, kung saan magsasabunutan ang bida at kontrabida.

'Di ako papatol sayo Kath, It's just another waste of time'

bago pa muling makapagsalita ng susunod na isusumbat ni Kath sa akin ay mabilis naman akong niyakap ni Liane, kasunod niya ay si George.

"Hi, Bes nauna pa kami sayo? E bumili pa kami ng props. Late as always, But it's better than absent right?" natatawang sabi ni Liane sabay tingin kay Kath na tila nang aasar.

"Yeah right, bitch!" Galit na sagot ni Kat kay Liane

"look who's talking!" liane Said mockingly as she flips her hair to Kath, just to annoy her more.

Bahagya akong natawa sa sinabi at ginawa nya. 'Malakas talagang mang-asar...parang si Liam lang ang kasama ko'

Bumaling ako sa may gilid ni Kath kung saan katabi nya si Van, na kausap ni Pierre tungkol siguro ito sa roles ang character ng gagawin naming theater play. Hindi ko maiwasang saglit na mapatitig sa kanya dahil sa simple nyang suot na blue button up shirt, jeans at sneakers, sa porma nyang iyon ay mas nadepina ang manly nyang pangangatawan, taliwas sa maamong nyang mukha.

Hindi inaasahang mapalingon rin sa akin si Van na parang natatawa sa naging gulat na reaksyon ko. Nandyan na naman ang nakakainis nyang ngisi at tila sinasabing ' I caught you baby!'

Habang kinakausap sya ni Pierre ay alam kong nakatingin sya sa akin kaya ako na lamang ang umiwas ng tingin sa pagitan namin.

Nang makasakay na kami sa dalang SUV Mercedes-Benz GLC-Class ni Van ay nagkanya kanyang upo na kami. Sila Kath, Maine at Andy ay napiling sa dulo sila na walang awat sa pag sicellphone at walang pakialam sa paligid 'makakatulong kaya sila sa play?' Tanong ko sa sarili dahil pakiramdam ko ay aangal na naman si Kath sa magiging role nya. Si Will at Josh kasama ang iba pang lalaki ang nasa unahan nila Kath, kami naman nila George at Liane ay sa likuran ng drivers seat kung saan si Van ang driver, syempre si Pierre na nasa passengers seat.

Habang nasa byahe ay kanya kanyang pinagkakaabalahan ang lahat. Hindi ko alam ang pinagkaka abalahan ng iba, ngunit kapansin pansin ang pananahimik nila. Si Liane ay nakahilig sa aking balikat at nakikinig ng kanta, si George ay nakatingin sa labas ng bintana at tahimik, ako naman ay hindi maiwasang libangin ang sarili sa pagtingin sa unahan, dahil hindi ko makuha ang cellphone kong nakalagay sa gilid ng aking bulsa kung saan nakahilig ang ulo ni Liane. Pakiramdam ko'y may nakatingin sa akin kaya hinanap ko iyon, 'ako lang ba? O Talagang tinitingnan ako ni Van sa front mirror?' Dahil sa ayokong mag feeling o mag assume ay muli akong nag angat ng tingin, at hindi nga ako nagkamali ng mahuling si Van ay panaka nakang sumusulyap sa salamin, nakangisi at pinipigil ang pagngiti...bahagya nyang kinagat ang pang ibabang labi, ng mag tapat ang aming tingin ay halos mapagalaw at matanggal ko ang ulo ni Liane sa balikat ko dahil sa pagkindat ni Van, dahil sa naging reaksyon ko ay hindi na napigilan ng lalaki ang malakas na hagalpak sa tawa.

Dahil duon ay tila nagising si Liane at ang ibang members ay nagtatanong kay Van kung bakit bigla bigla nalang itong tumawa ng malakas sa gitna ng katahimikan.

"What's so funny about Van? You looks crazy!" Natatawa na rin si Liane dahil sa nakakahawa at hindi pa natatapos na tawa ng lalaki.

"It's just that-- Hahahaha! Wait ahm. It's just that ...Someone looks really priceless" Van na ngayon ay pinupunasan ang kaunting luha na nasa gilid ng singkit nyang mata.

"Really? Who's that someone?" curious na tanong naman ni Will.

"Nothing...forget it, were here already" pag puputol ng maaaring itanong pa ng iba sa kanya, ng sinabi nya iyon ay nakahinga ako ng maayos dahil hindi nya sinabi kung paano ako nag mukhang tanga sa nangyari. Nang tumingin sya sakin ay hindi ko mapigilang umirap at timingin ng masama sa kanya, nagkibit lamang siya ng balikat at kaagad ng bumaba sa driver seat tsaka dumiretso sa gilid ni Liane para buksan ang SUV.

"Wow! you've got a really nice mansion here at Villa Monte huh? I think, I can live here too" boses nang aakit na sabi ni Kath na mabilis na nakalapit kay Van kasabay ng mahinang paghampas nito sa braso ng lalaki.

"Sure you can, but if you do I'll move out" ngiti g sambit ni Van kay Kath

"Y-you w-what? Move out? Why...don't you like me? don't you like me?" Parang malungkot at nanghihinayang na tanong ng babae

"Well, I like someone else..." tugon ni Van at naunang dumiretso sa kanila, naiwang napanganga si Kath na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Van kaya pumunta na lamang siya sa kaibigan na tinatawanan na rin siya, at tila nagtatanong kung sino yung someone else ni Van

'Huh! Someone else my ass!'

Napailing na lang si Pierre at hindi na nagbigay pa ng kumento.

"He should stop mentioning his "Someone else" because I know Kath will find Her and make her life living in Hell" napapailing na wika ni Liane

'Yeah, I also think he should stop'






---

jennyloveyyy

please do leave a comments and vote thank you!

thank you rin po specially kay missKRISTINapay sa pag vote sa story ko, thak you so much! God Bless you po!

When it RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon