Chapter 15: Questions and Plans (part II)

223 11 0
                                    

Questions and Plans (part II)

ALLISHA GWEN'S P.O.V

"Oh! Liam, nasaan na si Liane? Pati si George at Jash bakit wala pa rin dito? masyado ba ako'ng napaaga?" Tanong ko kay Liam na nakaupo habang may lollipop sa kanya'ng bibig, tumingin siya sa akin at kunot noo halata sa mukha ang pagpipigil ng tawa.

"Hahahahahaha! masyado mo ako'ng pinapasaya Allen e, seryoso ka? Kailan ka pa naging maaga? Tanghali na nga lang tayo may klase late ka parin" singhal pa niya sa akin bago tuluyan'g humarap sa gawi ko.

"E, nasan nga yung tatlo? Sabi nila pumasok ako ngayon at sabay-sabay na kaming mag papasa kay Sir, tapos sila naman pala yun'g wala!" Inis na sabi ko, dahil totoong medyo inagahan ko nga gising kahit papaano.

"Bakit ka sa'kin nagagalit! Hahahaha! Sa Mc Clones ko binaba si Jash, nandoon daw si Liane kumakain ng breakfast pero sabi e nag text sa kanila yung wirdo'ng President! May pinabibili daw sa kanila" sagot niya, sabay turo sa lalaking nasa pintuan ag aming President na tinutukoy ni Liam, sunod ay tumingin sa relong nasa bisig niya, bahagya pa itong umiling at taka'ng tumingin sa akin.

"Pero parang kanina pa sila a, hindi pa rin ulit nagttext si Jash, simula nun'g huli siyang nagtext sa'kin" napapailing at kunot noo niya'ng sabi.

Muli akong tumingin sa labas ng pinto, halata sa mukha ni Pierre ang inis at pagkairita.

Tumayo si Liam at hinawakan ang magkabilang balikat ko at medyo gulat na nagsalita, mabilis ko'ng inalis ang kamay niya sa balikat ko.

When it RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon