Chapter 20: Glimpse

211 11 0
                                    

Glimpse

Allisha's POV

"And I'll do everything not just to impress you. . .but be with you always when you needed, I'll never leave you, not a chance"

"And I'll do everything not just to impress you. . .but be with you always when you needed, I'll never leave you, not a chance"

"And I'll do everything not just to impress you. . .but be with you always when you needed, I'll never leave you, not a chance"

Ang mga kataga'ng iyon ang paulit ulit na sumisigaw at pilit akong binabagabag. Hindi ko alam ang aking sasabihin o dapat pa bang may sabihin ako? Ang mga paru-paro sa aking tiyan ay tila naghahabolan at ang tibok ng puso ko ay mas mabilis kesa normal na pag tibok nito.

Muling kong naalala ang mga sinabi niya bago kami pumunta sa gymnasium, ang nararamdaman ko ngayon ay katulad lamang ng mga oras na 'yon. He's me making stupidly speechless na kahit ang pagbigkas ng simpleng salita ay para bang kay hirap ng gawin.

Naramdaman ko ang marahang hampas ng hangin sa aking mukha, dahil doon ay muling nabalik sa sarili. Tahimik pa rin kaming nakaupo sa duyan, ramdam ko ang paminsan minsan niyang paglingon sa gawi ko, tahimik lang din siya tila ba tinitimbang ang mga reaksyong nababasa niya sa mukha ko. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ang itinagal namin doon. Ang mga tanong sa aking isipan ay tila mas lalong nanggulo at nadagdagan.

"What do you mean? Bakit mo ba sinasabi ang mga bagay na ito, Van? Huwag mong ugaliing magsalita ng ganyan, baka paniwalaan ko" sambit ko na siyang ikinatigil niya sa marahang pag duyan sa sariling kinauupuan. Kunot na kunot ang noo at halata ang iritasyon sa kanya.

"Sa palagay mo ba'y biro lang ang sinasabi ko?"

"Allisha?..."

"Bakit hindi ba? 'Wag mong sabihing seryoso ka, dahil talagang hindi ako maniniwala" sagot ko, naiinis ako sa sarili ko kung bakit may halong guilt at kakaibang kaba ang nararamdaman ko, ngunit pili ko itong tinatakpan, ayaw kong makita niya apektado ako sa mga sinabi at sasabihin pa niya. Naiinis ako dahil sa kaba at takot-takot na alam kong dahil sa kanya ko lang rin naramdaman. For years I have learned that feelings are sometimes more you could've ever imagine kapag mas lumala pa at hinahayaang pangunahan ang dapat na nasa isip.

You can choose from what you feel and from what you think is right, so I'm not surprised that thinking from what is best for me was the right thing to do. I learn my mistake really well, I guess. This unfamiliar feeling was just temporary anyway, habang mas maaga pa itigil na.

"Ano pa nga ba ang aasahan ko Allisha? Alam ko namang walang pang anim na buwan bago tayo nag kakilala... pero sana hayaan mo akong iparamdam sa'yo ang mga bagay na alam kong mahirap sa'yo, hindi ko hinihingi ang buong tiwala mo, kahit konti lang Allisha. . .kahit konti lang" ayaw ko mang pangalanan ang klase klaseng emosyon mula sa kanya'y mababasa pa rin kahit iwasan. It's like he's been keeping those words to depths pero wala siyang magawa kundi ang kumawala. He's eyes gazing my way with so much intensity na di ko kayang pantayan. Seryoso siya at may halong lungkot ang kanyang mga mata.

I was silently looking at him still on a confuse looks in my face probably because of the classic emotions written on his. I've been on this kind of situation wherein I shouldn't give chances, dahil alam kong sa huli ako pa rin ang mahihirapan, pero bakit. . .bakit parang ngayon ay kay hirap tanggihan?

Muli siyang tumayo at madilim man ang mga mata niyang nakatingin sa akin ay hindi ko magawang matakot, dahil iyon ay mga matang puno ng sinseridad ngunit may paninindigan. Humarap siya saking habang ako 'y nakaupo pa rin, still shocked. He extended his arms indicating to reach his hand para makatayo na rin ako. Tahimik at tinggap ko ang kamay niyang nakalad.

When it RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon