Chapter 11: Hold tight

324 11 0
                                    


Hold tight

"Teka nga! Ibigay mo na kasi yung topic ninyo sa amin ni Liam, diba exempted na kayong tatlo? Maigi sana kung may mataas na I.Q itong kagrupo ko, ang malas ko kasi wala eh! Huhuhuhu what should I do?! Allen, Liane?"

"Hahaha! Grabe ka kay Kuya ha! If I know kinikilig ka kasi halos parati kayong mag kagroup eh! Kung sa 'kin okay lang na ibigay ko ang topic namin, we don't need it anyway . . . I'm sure Allen won't mind though, I'm not so sure kung papayag ba si Van. . . Siya kasi ang kumuha ng ibang coverage ng topic namin eh, should we ask him Allen?

Busy kaming lahat dahil sa ibinigay na activity sa amin sa Philosophy ni Sir Panganiban, sila lang pala dahil kaming apat nila Pierre, Liane at Van ay nakapasa sa aming quiz para sa exempted sa gagawing activity, at ito ngang si Jash ay talagang problemado na naman dahil sa kanyang kagrupong walang iba kundi ang nanliligaw, at matagal na niyang crush na si Liam.

" hindi naman siya lang ang gumawa 'non kaya okay lang na ibigay na natin sa kanila"

"yeah! Exactly!" Masayang tugon pa ni Jash, dahil pabor 'yon sa kanila kung sakali

"I mean we should tell him muna diba? He's still part of our group!"

" sige... kausapin mo siya" kibit balikat kong tugon.

"Ow! He's here" kunwari'y nagulat na sambit ni Jash 'tss, halatang tuwang tuwa! Hindi naman siya sure kung papayag ang kumag!"

Habang nag lalakad malapit sa aming upuan ay feel na feel ng lalaki ang atensyon'g ibinibigay namin sa kanya--sila lang pala..May pag hawak pa sa kanyang buhok at para bang isa no sa commercial na napapanuod sa tv. 'Feelingerong frog'

"Oh?! Bakit ganyan kayo makatinginKadarating ko lang pero yang mga tingin niyo sa'kin parang may ginawa akong masama ah! hahahaha chill lang kayo mga bebe aba! Ano bang meron?"  Natatawang sabi ni Van, habang binababa ang kanyang bag sa upuan malapit sa pabilog naming kinauupuan. Halata sa kanyang mata ang pagkakuryoso tila nais malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin nila.

When it RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon