Chapter 6: Weird

364 12 0
                                    

Weird

Matapos ang naging usapan namin ni Liane, George at Jash ay muling bumalot ang katahimikan sa pagitan namin.

Inaamin kong masyado na rin talaga akong makasarili... alam ko rin na talagang nag aalala lang para sa akin ang mga kaibigan, ngunit hindi nila ako masisisi kung bakit kailangan kong itago sa kanila ang mga bagay na maaaring makapag paalala sakin... maging sa kanila na may kinalaman sa nakaraan.

Mas pipiliin kong itago na lamang iyon sa aking sarili. Sa paraang iyon lamang ako makasisigurado na hindi sila mag aalala sa tunay kong nararamdaman.

Well, siguro ay kailangan ko ring makinig sa kanila para sa ikabubuti ko, ngunit sa ngayon ay gagawin ko muna ang lahat ng paraan upang patunayan na kaya kong lamapasan ang lahat. Hindi ko kakalimutang nandito ang mga kaibigan para sa akin'Hangad lamang nila ay para sa ikabubuti ko, I'm sure of that though'

Marahil ay nais ng makipag ayos ni Liane sa aming naging hindi pagkakaunawaan ay muli nyang ibinalik ang saya at tila walang tampuhan na naganap sa pagitan namin, na sa palagay ko ay mas mabuti.

kilala ko sya... alam kong kahit naging malamig ang trato nya sa akin nung nakaraang araw ay ramdam kong tunay syang nag aalala...gusto lamang nyang makatulong at naiintndihan rin nya ang aking nararamdaman isa ito sa positibo at nagustuhan kong ugali at katangian na mayroon si Liane, na, kaya naman lubos ko iyong pinasasalamatan. Dahil sa pagkakaroon ng tunay at mapag mahal na kaibigan, it's real... that the greatest gift of life is friendship, and I'm really thankful and lucky from being one who recieved it'.

Magmula highschool ay sila na ang kasama ko sa halos lahat ng pangyayari sa buhay ko. Naiintindihan ko ang matinding pag aalala nila sa akin.

Hindi na rin muling nangulit si George sa nais malaman sa pag uusap namin ni Van.

Sa sobrang tuwa ko ay mabilis kong niyakap ng mahigpit sila Liane, George at Jash na sobrang nagulat sa aking naging kilos, ngunit kalaunan ay tumugon rin sila na mas mahigpit pa sa unang yakap ko.

"Thanks for understanding" bulong ko sa kanila at mas hinigpitan rin ang yakap.

Masaya kaming bumalik sa room ng tanghaling iyon, marami na rin ang nasa loob ng silid. Nanduon ang aming President na tila abala sa pagbasa ng hawak nyang mga papel na ang alam ko ay announcement na naman sa kung anong bagay. Dahil nakakapag takang narito muli sya mula nung isang linggong pagkawala nya dahil sa pagiging representative ng aming school sa isang patimpalak na tagumpampay naman nyang napanalunan. 'Kahanga hanga talaga ang lalaking 'to' kahit nakasalamin ay hondi maitatanggi ang kagwapuhan nyang taglay. Isa na rin ang katalinuhan nya sa dahilan kung bakit sya hinahangaan ng nakararami... isa na yata ako sa kanila.

Nang makaupo na kami sa kanya kanya naming upuan ay walang humpay namang nagkwento at nagbubulungan sila Liane at Jash na akala mo ay hindi nag usap ng mahabang panahon, samantantalang kanina lang ay magkakausap na kami. Si George at ako ay tahimik at naghihintay ng maaaring sasabihin ng aming President na si Pierre Ocampo.

Saglit naman akong napabaling sa aking gilid ng mapansing walang nakaupo duon. Ipinag sa walang bahala ko iyon at muling tumingin sa unahan.

"Ehem! Ehem! Guys may I call all your attentions please?! Specially for you Ms. Ferrer..."seryosong saad ni Pierre na nakatuon ang buong atensyon sa kaninang nagdadaldalan na si Jash at Liane, na ngayon ay mabilis namang nanahimik at tumingin sa unahan. Hindi nakalampas sa paningin ko ang pag irap at pagtingin ng masama ni Liane sa aming President.

When it RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon