Chapter 16: Count on me!

183 7 0
                                    

Count on me

And finally natapos ko rin ang isa pang draft!😅 after so many activities in school and also
Thanks noreenxsangalang love you😘😘😘

Van Jacob Lee's P. O. V

"Dude! Sana pinasa mo sa'kin yung bola, sayang naman yung tiyempo mo eh!" patuloy ang pag daldal ni Liam sa tabi ko habang nakaupo kami sa bench para makapag pahinga matapos ng nakakapagod na practice.

"Tss. . . Bakit dahil dumaan sina Jashrille dito?" Biro ko sa kanya

"Ahm. . .well" kamot ulo at tila naupos ang dila niya, kaagad ko 'yong ikinatawa.

"Tss, wag mo nang sagutin. Halata naman eh. . .nga pala kailangan pa ba talaga natin ang participation sa booth na 'yon? Dalawang linggo na lang mag sisimula na ang Foundation ah. Hindi kaya kulangin tayo sa oras dahil don?"

Pinag aalala ko ang isang 'yon dahil talagang mahigpit si Coach sa practice, lalo na ng naikwento niya sa akin ang pag alis ng pinakamagaling nilang miyembro apat na taon na ang nakakaraan, sa wakas daw ay nakahanao rin sila ng taong papalit sa kanya. I'm not sure of that dahil hindi ko naman nakita kung paano maglaro ang dating ace player ng WSU Tigers basketball team, but I've to do my best that's for sure.

kinuha ko ang Gatorade sa bag ko at ininom 'yon.

"Ewan ko, pwede naman siguro tayong tumulong kahit paminsan minsan, para kahit papaano ay matulungan natin sila Liane at Jash, parang pinahihirapan sila nung weirdong President natin e" sagot niya bago inihilig ang ulo sa sandalan.

"hindi naman siguro, I can see Pierre as a good leader indeed. . .hindi siya mataray at suplado" sabi ko habang natulala at natawa sa sariling iniisip.

Kunot noo'ng bumaling sa gawi ko si Liam, tila naguluhan
"Tss, e akala kasi niya siya dapat lagi ang nasusunod! Eh kung batukan ko kaya siya ng isa?!" Singhal niya sa akin.
"Well, mas okay na iyon kesa naman akala mo e kanya lang ang mundo at walang pakialam sa ibang tao. .."

When it RainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon