SIDE 1
Pagkatapos ng klase namin, dali dali akong tumakbo para pumuntang Tan Yan Kee, kailangan daw kasi ako sa org para sa preparation ng Thomasian Welcome Walk. Nakakainis napakainit pa naman at nasa kabilang sulok ng mundo pa ang layo ng TYK sa Beato, kung wala lang si Kiarra dun eh matagal na kong nag-quit.
“Skye kanina ka pa namin hinihintay, di kasi kami makapagsimula.” Sabi agad sakin ni Kylie yung VP Internal ng org.
“Pasensya na, medyo strict kasi yung prof namin kanina, hindi ako nakapagcut.” Paliwanag ko tapos hinanap agad ng mata ko si Kiarra.
Nagsimula na idiscuss ni Alex yung mga preparations para sa TWW. Medyo alam ko naman na din kasi 2years na akong member ng TomCat. Inassign ako sa Teaser Ad ng TWW since Adver nga daw ako, ang swerte ko lang kasi si Kiarra yung magsusulat ng script nung Ad kaya magkasama kaming magtatrabaho.
“So pano yung set-up natin neto?” Tanong ni Kiarra sakin at medyo natitimang pa ko kasi ngayon lang kami nag-usap sa buong stay ko sa TomCat.
“Uhh.. Ikaw? Text mo nalang ako kapag free ka ganun?” Ilang kong sagot sakanya.
“Kailangan na ata masimulan to ngayon eh.” Pag-aalala niya.
“Kaya mo na bang simulan? Kung hindi pwede naman siguro bukas kapag may ideas ka na eh.” Nginitian ko sya pero di nya ata nakita kasi lumingon sya dun sa babaeng tumawag sakanya.
“Kia! Ano mauna na kami?” Aya nung orgmate din naming si Sapphire. Kainis naman to, nagmomoment pa kami ni Kiarra eh.
“Sige mauna na kayo, baka magkita pa kayo ni Peter eh.” Tapos nagpaalam sya kay Sapphire at ngumiti, bigla din tuloy akong napangiti at napapatitig sakanya. “Oi Skye, problema mo?”
“Ahh.. wala ang ganda kasi ng ngiti mo, nakakahawa.” Nabigla ako sa nasabi ko pero natawa lang naman siya kaya okay lang.
Nagbrainstorming kami sa pepwedeng ilagay sa video, di nga lang ako makapag-isip ng maayos kasi na kay Kiarra ako nakafocus. Medyo nahihiya na rin ako kasi halos sya lang nag-isip ng lahat pero kung tutuusin yun naman yung part niya dito.
“Kiarra sorry ah. Walang kwenta ko bang katrabaho? Wala akong maitulong sayo.”
“Ano ka ba Skye, trabaho ko kaya to.” Tapos ngumiti nanaman siya ng nakakatunaw.
“Baka napapagod ka na eh...”
“Sus, hindi pa naman eh.” Habang patuloy parin siyang nagsusulat sa notebook niya ng script para sa Teaser.
BINABASA MO ANG
HIS SIDE
RomanceI've always thought she will never be a part of my book. But my mistake, because now... She's the beginning and the end of my every chapter