Side 8

501 33 7
                                    

SIDE 8

                Isang linggo na rin ang nakalipas at hindi parin nagpaparamdam si Kiarra, aaminin ko namimiss ko na siya pero alam ko rin namang hindi na pwede, gusto kong mag-usap kami para naman kahit papano eh malinis ko ang pangalan ko kahit sakanya lang.

                Nandito ko sa AB Pav ngayon, inaabangan ko kasi si Kia para makapag-usap kami. Sana lang eh hindi si Amihan o si Peter ang maunang lumabas, dahil baka ano nanamang sabihin nila sakin. Ilang minuto lang eh nakita ko na si Kiarra palabas ng gate na may kasamang lalake, gusto ko magselos kasi pag ibang lalake talaga ang kasama nya eh ganyan kalaki yung mga ngiti niya, samantalang sakin. Hay.

“Kiarra!” Lumingon naman siya pati yung lalakeng kasama niya at tinignan ako ng “anong ginagawa mo dito” look. “Gusto lang sana kitang makausap. Please?” Tinignan naman niya yung lalakeng kasama niya at nagtanguan sila.

“Sige Red, text mo nalang ako kung san ka.” Sabi niya ngumti lang naman yung Red at nag-sige.

                Naglakad kami pareho at sa Lover’s Lane kami napapadpad, walang nagsasalita samin pareho. Taena Skye, wag ka matuliro lagi ka nalang natutuliro pagkausap mo si Kiarra.

“Skye? Ano ba yun?” Tanong bigla ni Kia na parang naiilang din.

 

“Kia… Gusto ko lang sana humingi ng tawad sayo.”

 

“Skye, ano ba. Napatawad na kita.” Nginitian naman niya ko.

 

“Kiarra, hindi ko naman sinasadya. Hinalikan lang niya ko at dahil lalake ako, nadala ako.” Dagdag ko pa.

 

“Hindi mo kailangan mag-explain, Skye. Hindi naman tayo eh. Wala namang tayo.” Nabigla ako sa sinabi niya, masakit kahit papano kasi hindi naman niya kailangan pang idiin na wala namang kami.

 

“Alam ko Kia, gusto ko lang linawin sa’yo yung pangyayari. Wag ka mag-alala hindi naman na ako manliligaw sayo. Natanggap ko nang magkaibigan lang talaga tayo.” Sabi ko rin sakanya, na parang ikinagulat din naman niya pero ngumiti lang din siya bigla.

 

“Uhm sige Skye, alis na ko. Kakain pa kami ni Red.” Paalam niya sakin.

 

“Bago mong manliligaw?”

 

“Hindi crush ko kasi siya Skye, tapos niyaya niya kong kumain sa labas.” Nakangiti niyang sabi, grabe pinapamukha ba niya saking boring talaga kong kasama.

 

“Ahh ang sakit naman.” Nagpout naman siya pagkakasabi ko nun. “Joke.”

 

“Hmp! Ang kulit mo talaga. Osige na.”

 

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon