Side 2

654 36 10
                                    

 

 

SIDE 2

 

                Matapos ang TWW naging magaan na yung trabaho namin sa org kaya madalas tambay at palamig lang ginagawa namin. Pero pagtapos din ng walk madalang nalang pumunta si Kiarra sa org room, busy daw kasi sa acads sabi nila, magpapakabusy nalang din ako sa plates ko.

 

“Oh? Uwi ka na?” Tanong sakin ni Yohan, nagliligpit na kasi ako ng mga kalat ko dito sa org room.

 

“Oo eh. Natatambakan na kasi ko ng plates.”

 

“Wala lang si Kiarra dito eh!” Singit naman ni Amihan, PRO ng TomCat.

 

“Isa narin yun. Ikaw naman Amihan, selos ka masyado.” Pangaasar ko sakanya tapos binato niya ko ng notebook kaya natawa kami ni Yohan sakanya.

 

“What the?! Hoy Skye, wag kang malandi jan ah.” Pagbabanta niya pero mas inasar ko lang siya lalo.

 

“Wag ka mag-alala mas bagay parin ang Langit at Amihan. Parang ako si Skye at ikaw si Amihan.” At bago pa niya ko murahin at batuhin uli ng notebook eh nakalabas na ko ng org room.

 

                Habang naglalakad nakita ko nanaman si Sapphire at yung kasama niyang lalake nung isang araw na naghaharutan sa Commerce Pav. Naisip ko tuloy si Kiarra, asan kaya yun ngayon? Masyado naman ata syang tutok sa acads niya. Kailan kaya kami maghaharutan din tulad nila Sapphire?

 

“Oi Skye!” Napatigil ako sa paglalakad kasi tinawag nanaman ako ni Sapphire. Ano nanaman ba kailangan nito? “Hinahanap mo si Kiarra noh?” Tanong niya.

 

“Huh? Di ah. Busy siya eh diba?”

 

“Sus di daw! Eh bat dito ka dumaan? Mas malapit kaya pag sa may Botanical ka dumaan!” Natawa pa sila pareho nung kasama niya.

 

“Halata ka masyado brad.” Singit nung kaharutan niya, nginitian ko lang sila ng matipid uli at nagpatuloy na sa paglakad.

 

“May sakit si Kia.” Napalingon ako kay Sapphire pagkasabi niya non. “Kung gusto mo lang naman malaman..” Dagdag niya, tumango at nginitan ko lang siya at naglakad na pabalik sa Beato.

 

 

 

 

 

“Hi Kia, may sakit ka daw? Get well soon.” Text ko Kiarra.

 

“Hindi naman malala. Lagnat lang, pero salamat. :) At para naman akong timang na kinilig kahit ang simple lang naman nung text niya sakin.

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon