Side 20

471 41 14
                                    

.

.

SIDE 20

.

“Mahal ko…” Nagulat ako ng bahagya kasi first time niya kong tawagin ng “mahal ko.” Gusto ko sana magbunyi pero nababadtrip ako sakanya. “Skye, pansinin mo naman ako.” Inaalog-alog pa niya yung braso ko pero di ko parin siya pinansin, umupo nalang ako dun sa bakanteng bench ng Lover’s Lane.

.

Tumabi lang naman siya sakin at ihinarap ako sakanya. “Mahal ko… Kausapin mo na kasi ako please?” Nagpout pa siya, nakyutan tuloy ako sakanya. Takte naman.

.

“Ikiss mo muna ako.” Seryoso kong sabi.

.

“Saan mo ba gusto?” Nakangiti niyang tanong. Gusto kong ngumiti pero act cool parin dapat.

.

“Sa lips.”

.

“Sige pag tayo na, ikikiss kita ng times infinity sa lips.”

.

“Sapphire naman eh! Ang tagal pa nun!” Napakamot naman ako ng ulo. Hindi naman ako manyakis pero gusto ko na siyang ikiss.

.

“Ligawan mo muna ako noh.” Sabay irap sakin. Aba.

.

“Tss. Dami daming nanliligaw sayo eh.” Sagot ko sakanya sumimangot tuloy siya.

.

“Skye naman eh.” Tinignan ko siya ng masama.

.

“Bakit Skye?! Dapat mahal ko! Mahal ko ang itawag mo sakin, ayaw ko ng Skye.” Sabi ko sakanya ng seryoso pero tinawanan lang ako.

.

“Mahal ko naman eh.” Natatawa niyang sabi.

.

“Seryoso kasi ako.”

.

“Osige game seryoso na.” Sumeryoso yung tono ng boses niya. “Mahal ko, wag ka na magselos…” Tapos hinawakan niya yung kamay ko. “Magkaibigan lang kami ni Pedro at tayo… ano…” Inintertwine ko naman yung kamay naming dalawa. “Diba maglikers tayo?”

.

“Paano akong di magseselos? Masakit sa puso ang makita kang nakangiti sa iba.” Bumuntong hininga ako. “Mahal ko, madamot ako. Ang kay Skye kay Skye lang, oo hindi ka pa akin pero diba maglikers na tayo?” Tinignan ko pa siya sa mata para mafeel niyang sincere ako. “Ibig sabihin nun 50% akin ka na.”

.

“Wag ka na muna masungit.” Sabi niya napairap tuloy ako ng wala sa oras. Taena nahahawa na yata ako kay Sapphire.

.

“Kailan mo ba kasi sasabihin kay Peter na maglikers tayo? Ayokong pinopormahan ka parin niya. Ako lang dapat ang poporma sayo. Hindi ko naman kasalanan kung mas gusto mo ko kesa sakanya, mas gwapo naman kasi talaga ako.” Natawa siya pagsabi ko nun. Aba seryoso namang mas gwapo ako kesa kay Peter ah.

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon