Side 10

537 35 10
                                    

 AN: Play niyo yung music hehe pero kung ayaw niyo ays lang din! :)

 

SIDE 10

 

Nagising ako dahil sa sikat ng araw, akala ko naman may bagyo pero parang ang taas naman ng araw, ang labo talaga. Nag-unat muna ko bago icheck yung phone ko, 9am palang pala. Pumunta na ko sa CR para umihi at para magmumog na rin, hinanap ko si ate pero parang wala na siya dito, pagtingin ko naman sa pintuan nung guest room eh nakasarado pa.

 

“Aba, masarap ang tulog.” Bulong ko sa sarili ko at dumiretso na rin ng dining tapos napinsan kong may nakalagay na note dun sa may table.

 

Skye,

 

Pumasok na ko sa work, nagluto na rin ako ng breakfast niyo ni Sapphire. Text mo ko pag-aalis na kayo ng condo.

 

“Wow naman may ganito pa si ate.” Inayos ko muna yung dining at maya-maya kinatok na yung babaeng sarap na sarap sa pagtulog sa kwarto. “Sapphire! Sapphire gumising ka na!”

 

Katok ako ng katok pero wala namang sumasagot, dinikit ko yung tenga ko sa pinto at pinakinggan kung gising na ba si Sapphire pero parang may kausap naman na siya.

 

“Ui Sapphire gising ka na ba? Nagluto si ate gumising ka na.” Sigaw ko habang katok parin ng katok sa pinto.

 

“Ah—oo! Oo susunod ako!” Sigaw niya na parang natataranta pa.

 

“Okay!” Sigaw ko naman.

 

Nagtimpla muna ako ng gatas bago umupo sa dining at syempre para sakin lang yung gatas na yun, bahala na si Sapphire kung anong gusto niyang inumin masyado na siyang pa-VIP eh.

 

“Si ate Luna?” Tanong niya habang sinusuklay ng mga daliri niya yung gulo gulo niyang buhok.

 

“Nasa trabaho na. Kumain ka na.” At umupo naman siya sa harap ko at nagsimula na kaming kumain… ng tahimik.

 

“Ah… Ako na pala maghuhugas.” Singit niya nung tumayo ako para ilagay sa lababo yung pinggan ko, nag-okay nalang ako sakanya kasi dapat lang naman na siya yung maghugas.

 

“Gusto mong hawakan?” Tanong ko sakanya.

 

“Ang alin?” Kunot noo naman niyang tanong din sakin.

 

“Yung abs ko. Tinititigan mo eh, baka gusto mo lang kako hawakan.” Natawa pa ko sa pagkakasabi ko nun kasi parang matutunaw na yung macho kong katawan sa mga titig niya.

 

“Excuse me? Hindi ko tinitignan yang abs mo dahil hindi naman developed yang rectus abdominis muscle mo and even your pyramidalis is not that visible. So work-out, work-out din pag may time.” Mahabang niyang sagot pero hindi ko naman naintindihan kung ano yung mga pinagsasabi niya.

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon