Side 21

689 47 8
                                    

.

.

SIDE 21

.

“Sa bahay namin… Iuuwi na kita.” Sambit ko and it took a minute bago siya makapagrespond. Actually, hindi pa ako nakakapag-paalam kila mommy na mag-uuwi ako ng babae sa bahay pero gusto ko lang talagang ipakilala na siya.

.

“Ano?!” Gulat niyang tanong, tumayo lang naman ako at ginulo yung buhok niya.

.

“Ipapakilala na kita sa parents ko, Fire.” Nakangiti kong sabi pero parang di naman siya natuwa.

.

“Are you serious?! Hindi pa ako ready makipagmeet sa parents mo!” Umupo sa built-in bench ng Pav nila at bumuntong hininga siya. “Atsaka ano… Masyadong ano.. Masyadong mabilis.”

.

“Dun din naman papunta to eh. Sooner or later, ipapakilala rin naman talaga kita sa mga magulang ko.” Paliwanag ko.

.

“Alam mong gusto ko rin dun mapunta to. But Skye, it’s too early for that.”

.

“Hindi pa naman tayo magpapakasal. Ipapakilala ko lang sakanila yung babaeng nagpapasaya sakin ngayon, may masama ba dun?”

.

“Skye nagegets ko yung point mo, pero hindi pa ako ready. Hindi mo naman kasi ako ininform.”

.

“Kilala ka naman na ni Ate Luna ah? Nakitulog ka pa nga sa condo niya eh!” Still trying to convince her pero mukhang ayaw niya talaga.

.

“Eh wala pang emotional attachment nun! Siyempre ngayon, maglikers na tayo. So kailangan kong iready yung sarili ko.” She retorted. Gusto ko na ngang mag-give up nalang pero mas gusto ko siyang maipakilala na sa parents ko.

.

“Sige na kasi mahal ko. Pumayag ka na, please?” Umupo ako sa tabi niya at hinawakan yung kamay niya. “Christmas gift mo na saakin ‘to oh. Please?” Sabi ko with matching puppy face pa umaasang bumigay siya sa kagwapuhan ko.

.

Umiwas siya ng tingin at kinurot pa yung braso ko. “Wag ka nga magpa-cute dyan! Nadadala ako eh.”

.

“Pumayag ka na kasi. Sige na please?” Sumandal pa ko sa balikat niya.

.

“Ugh! Kainis bakit ba hindi kita matiis?” With that alam kong papayag na siya kaya iniangat ko na yung ulo ko para matignan siya.

.

“Please mahal ko… Payag ka na po.”

.

Umirap lang naman siya.  “Fine! Pasalamat ka like kita.” At kinurot yung pisngi ko.

.

Ngumiti lang ako at tumayo para rin makaalis na kami. “Tara na nga sa dorm mo at magbibihis ka pa.”

.

“Mag-oovernight ba ako sainyo?” Tanong niya bago pumasok ng Pacific Suites, napa-naughty smile tuloy ako na nagpasama naman ng tingin niya sakin. “Ano nanamang iniisip mo ha?!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon