Side 16

476 37 12
                                    

 

 

SIDE 16

 

“Sapphire ano kasi eh… pwede ba akong magkagusto sa’yo?” Napatigil naman siya sa pagnguya niya bigla at uminom ng coke.

 

“Nako Eros Skye ha, wag mo kong niloloko-loko pag ako bumigay, gugulpihin talaga kita!” Sabi naman niya pero hinawakan ko lang yung kamay niya kaya napatingin siya dun.

 

“Fire, seryoso ako.” Tinignan ko siya ng seryoso.

.

“B-bakit ako?”

.

“Bakit naman hindi?”

.

“Teka lang ah. Medyo naguguluhan na kasi ako dyan sa pantitrip mo eh.” Inalis niya yung kamay niya at uminom nanaman ng coke kahit halata ko namang wala ng laman yun.

.

“Sapphire hindi ako nantitrip.” Napatingin naman siya sakin bigla ng seryoso. “Kaya nga humihingi ako ng permission sa’yo diba?”

.

“Pero paano si Kiarra?”

.

“Sapphire ang simple lang nung tanong ko, simpleng sagot lang din yung kailangan ko.”

.

“Skye hindi ko alam. Kaibigan ko si Kiarra alam mo yan.”

.

“Magkaibigan lang kami ni Kiarra at alam mo rin yan.” Sagot ko naman kaya natahimik siya. Alam naman kasi talaga niyang walang kami ni Kiarra at malinaw sakanya yun. “Tara na nga, baka lalo pa kong mahulog sa kagandahan mo.” Aya ko sakanya nung napansin kong di na niya alam ang sasabihin niya.

.

Umirap lang naman siya at nagayos ng bag. “Ewan ko sa’yo, landi mo!”

.

“Single naman.”  At syempre inirapan nanaman niya ko bago siya tumayo.

.

                Tahimik lang kami pareho nung pabalik na kami ng UST. Marami namang mga bagay ang naglalaro sa isip ko, kung payag ba siya, kung ano na mangyayari pagtapos nito, kung itutuloy ko pa ba yung kabaliwan kong ‘to, kung ano magiging reaction nila Kiarra.

.

“Oh umalis ka na.” Sabi niya nung nakarating na kami ng St. Martin’s.

.

“Alis agad? Walang ano…” Nagpout naman ako ng onti at wala pa atang isang Segundo eh nagets na niya kung anong ibig sabihin ko.

.

“Hoy ah! Magtigil ka.” Sinabuntan pa niya ko kaya natawa ko sakanya.

.

“Sige na nga, matitikman ko rin naman yan.” Biro ko.

.

“Asa ka pa. Sige na tsupi na! May klase pa ako.”

.

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon