CHAPTER 18
“Alam kong hindi dapat… Pero oo nagseselos ako at gusto kitang angkinin kahit wala naman akong karapatan.”Napatigil ako sa pagsubo nung chicken ko.
“Anong sabi mo?” Tanong ko sakanya.
“Naman to ehhh. Gagayahin mo pa yung mga cliché moments na kunwari di narinig! Nakakahiya na nga.” Sabi naman niya kaya natawa ako.
“Para malaman ko kung worth it bang di ko muna sinubo tong chicken ko.” Natawa rin naman siya sa idinahilan kong yun, paborito ko kaya yung Chicken Joy.
“Ugh, nagseselos nga kasi ako kay Kia parang bigla kayong naging sweet. Nasanay na kasi akong saakin ka ganun. Ako katweet mo, kachat mo. Ah basta.” Natawa naman ako ng mahina dahil ang cute niya umamin parang batang nahihiya lang. “Wag mo nga kong tawanan!” Nagpout naman siya bigla kaya lalo akong nacutan sakanya. Epekto yata ng chicken joy ‘to.
“Hindi naman kita tinatawanan! Tumatawa ako kasi masaya ako.”
“At masaya ka pang nagselos ako?!” Nakataas pa yung isang kilay niya.
“Ayaw kitang magselos mahal ko.” Ngumiti ako at hinawakan yung kamay niya. “Pero masaya ako kasi gusto mo akong angkinin.” Dagdag ko.
Inalis lang naman niya yung kamay niya at umirap. “Anong mahal ko ka jan. Kumain na nga tayo.”
Pagtapos naming kumain sa Jollibee eh bumalik na kami ng UST nagulat pa nga ko dahil sa Gate 11 kami dumaan na katabi lang ang AB building, madalas kasi sa Gate 10 kami dahil nga ayaw pa niyang malaman nila Kiarra na madalas na kaming nagkakasama.
“Wow, dito yata tayo dumaan?”
“Mas malapit kaya dito.” Sagot naman niya na tuloy lang din sa paglalakad.
“Mas malapit o gusto mo lang talaga ipaalam sa mga TAGA AB na pagmamay-ari mo ko?” Inemphasize ko yung TAGA AB kasi nga AB si Kiarra pero bigla naman niya akong kinurot. “Aray ha masakit yun!”
“Kasi ang feeling mo masyado!” Umirap naman siya.
“Hindi na nga eh.” Naglakad na kami pareho papunta sa building nila. “Susunduin ba kita? O may magsusundo sa’yo?”
“Kung ayaw mo kong masundo ng iba susunduin mo ko.” Napangiti naman ako pagkasabi niya nun kasi parang seryoso siya.
“Andito na ko bago ka pa idismiss.” Mabilis kong sagot tapos natawa naman siya. “Akin ka na ah?”

BINABASA MO ANG
HIS SIDE
RomanceI've always thought she will never be a part of my book. But my mistake, because now... She's the beginning and the end of my every chapter