Side 7

495 29 5
                                    

 

 

SIDE 7

 

“A-anong ginagawa mo dito?” Gulat kong tanong sakanya habang hawak parin yung pisngi ko. Takte, Amazona yata to, ang sakit manampal.

 

“May nakalagay bang bawal ako dito?? At bawal ba kong pumunta dito?!” Sigaw niya sakin. “Takte ka manloloko ka lang pala.” At lumabas na siya ng Breeze. Natameme ako sa nangyari, parang nawala lahat ng alcohol na nainom ko.

 

“Ui bro ayos ka lang?” Tanong ni Liam pero di ko siya pinansin, sinundan ko lang si Amihan palabas ng bar.

 

“Ami! Amihan sandali!” Hinawakan ko siya sa braso pero inalis niya agad yun.

 

“Anong sandali?! Nakita ng dalawa kong mata Skye! Niloloko mo lang si Kiarra!” Sigaw niya mabuti at konti nalang ang tao dahil magtutwelve na nun.

 

“Ami, hindi ko siya niloloko! Si Hany yung humalik sakin!” Pag-eexplain ko pero mas sumama yung itsura niya dahil tinaasan niya ko ng kilay.

 

“At honey pa talaga ang tawag mo.”

 

“Hany pangalan niya ano ba! H-A-N-Y.” Pero hindi naman niya ko pinansin at aakmang aalis na siya uli pero pinigilan ko. “Wag mo namang sabihin kay Kiarra to. Please?” Tinignan ko siya ng seryoso.

 

“Sasabihin ko kay Kiarra, sa ayaw at sa gusto mo. Kaibigan ko siya Skye at ayaw na ayaw ko yung mga lalakeng malandi tulad mo.” Sabi pa niya, taena naman.

 

“Please Ami? Wag mong sabihin kay Kiarra. Hindi ko siya niloloko!” Hinawakan ko siya sa balikat pero sinampal lang niya ko ulit.

 

“Yung unang sampal para kay Kiarra, at yang ikalawang sampal para sa kalandian mo.” Sabi pa niya di pa siya nakuntento sa isang sampal.

 

“Nakainom lang ako. Ami, please sige na. Wag ka namang makisali dito. Wag mo na palakihin!” Sigaw ko sakanya, kainis naman kasi eh. Lakas makisali.

 

“Nagugustuhan ka na ng tao Skye, maging responsible ka naman sa actions mo. Pasensya na pero kaibigan ko siya, tama nga siguro yung hinala niya sa’yo. Katulad ka lang ng ibang lalakeng hindi marunong makuntento sa isang babae.” Nawalan akong ng lakas pigilan pa siya, siguro nga consequence to dahil nagpadala ako sa halik ni Hany.

 

“Ayos ka lang bro?” Tanong ni Liam na kanina pa pala nakikinig, tumango lang naman ako sakanya.

 

                Pumasok na uli kami sa Breeze at napansin kong ginigising na ni Philemon si Hany at si Ace, nakatulog pala agad si Hany nung hinila siya ni Amihan.

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon