Side 4

578 32 2
                                    

 

 

SIDE 4

 

                Nandito ko sa org room ngayon, gagawa nanaman kasi ng video something about UAAP. Siyempre kailangan full support ang thomasian community sa varsity ng Uste at dahil nasa org room lang kami eh hinahanap nanaman ng mata at puso ko si Kiarra, badtrip kasi tong si Sapphire eh, magpapamiss na dapat ako pero…

 

“ANO IIWASAN?! GAGO KA BA?!” Reply niya sakin. Hanep talaga to eh, makamura FC masyado.

 

“Maka-allcaps at mura ka naman dyan.”

 

“Eh ikaw kasi eh! Kakasimula mo palang Skye tapos papamiss ka kagad. Kung ako si Kiarra, hindi talaga kita mamimiss. Ang kapal mo naman kasi para magpamiss.” Napakunot ako ng noo sa reply niya, ang kapal din niya para sabihan ako ng ganyan.

 

“Naks, hindi ka nakakasakit ng damdamin.”

 

“TRUTH HURTS! At isa pa sabi mo, hayaan ka niyang gustuhin lang siya kaya wag kang mag-inarte jan.” Pero tama nga naman siya, wala nga naman ako sa posisyon para mag-inarte atleast nga magkaibigan kami eh.

 

“Oo na, pero tulungan mo naman ako oh.”

 

“Aba! Ano ka sinuswerte?!”

 

“Dali na Sapphire, ilalakad kita kay Peter.”

 

“As if! I don’t need your help.”

 

“But I need yours. Please?”

 

“Ewan, I can’t say yes. Tignan nalang natin, sige na kakain na kami ni Pedro! Babush!” Pagkareply niya nun hindi na ko nagtext back, nagpaquiz kasi bigla yung prof namin sa Ethics.

 

***

 

“Psst. Sapphire.” Lapit ko sakanya, kailangan ko na siyang kulitin habang wala pa si Kiarra. “Ano na?”

 

“Anong ano na?” Tanong niya na parang nagka-amnesia bigla.

 

“Yung kay Kiarra, yung napag-usapan natin last week?” Paalala ko.

 

“Hoy ah, di ako pumayag.” Sama pa ng tingin sakin ni loko.

 

“Ang damot naman neto eh, dali na. Treat kita mamaya.” Biglang nagning-ning ang mga mata ng isang Sapphire Dizon, pagkaen lang pala ang katapat.

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon