Side 9

476 30 4
                                    

 

 

SIDE 9

 

 

“Skye, pa-ride naman. Wala na talaga akong masakyan.” At dahil mabait ako at may puso naman kahit papano ay pinagbuksan ko ng pinto si Sapphire na mukhang basang basa na sa ulan.

 

“Ang traffic naman.” Bulong ko sa sarili ko. “San ka bababa?” Tanong ko sakanya.

 

“Sa UST na lang, maglalakad nalang siguro ako papuntang dorm.” Nahihiya niyang sagot. Wow, nahihiya ka pala. Sabi ko sa isip ko.

 

                Nilakasan ko lang lalo yung soundtrip ko, nakakailang naman kasi na andito si Sapphire at ang masama pa dun eh hindi naman kami okay pero magkasama kami at ang mas masama pa dun eh ihahatid ko siya sa UST kahit hindi kami okay at ang pinakamasama dun eh mukhang masastranded na kami dito kaya mas makakasama ko siya ng matagal.

 

“Badtrip naman oh.” Sabay kamot ko sa ulo, nakita ko naman sa peripheral view ko na napatingin si Sapphire sakin.

 

“Mukhang baha na.” Singit niya pero di ko siya tinignan, siguro naman alam niyang sobra sobra na ang pagsakay niya sa kotse ko at paghatid ko sakanya sa UST. Tahimik lang kami pareho nang biglang nagring yung phone ko.

 

“Hello?”

 

“Skye, asan ka na?” Sabi ni ate sa kabilang linya.

 

“Nasa Quezon Ave palang, ang traffic ate eh.” At magtithirty minutes na yata kami dito, nakakailang na.

 

“Dito ka nalang muna matulog.” Alok ni ate kaya napatingin ako dito sa babaeng katabi ko, tinignan lang din naman niya ko.

 

“Pero ate may kasama ako eh.” Pagdadahilan ko.

 

“Oh dito na kayo magpalipas pareho, mamaya eh mastranded pa kayo pag tumaas yung baha.” Sabi naman ni ate.

 

“Ate sigurado ka ba? Ano kasi… Babae yung ano… yung kasama ko.”

 

“Oh babae pa pala yan! Kaya nga dito na kayo, mamaya sagot mo pa yang kasama mo pag may nangyaring masama sakanya.” Pagpupumilit naman ni ate kaya napilitan nalang akong umagree sa alok niya.

 

Napabuntong hininga ako at bumulong. “Kung siniswerte ka nga naman oh.”

 

“Magcocommute nalang ako.” Biglang sabi ni Sapphire. “Bababa nalang ako, nakakahiya naman kasi eh. Pasensya na Skye, naabala pa kita.” Inayos niya yung bag niya at lalabas na sana siya ng kotse ko pero pinigilan ko siya.

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon