Side 13

512 39 13
                                    

.

.

SIDE 13

.

                Makalipas ang isang linggo nang pagkahumaling ko sa sayaw ni Sapphire eh bumalik na rin sa normal ang pag-iisip ko, naging close nga lang kami kasi madalas kaming nag-aasaran na may gusto kami sa isa’t isa kahit wala naman. Madalas din kaming mag-asaran tungkol kay Peter at kay Kiarra, sila na kasi yung madalas magkasama ngayon dahil busy daw si Sapphire sa pagiging med student niya.

.

“Landian 101 spotted. May sugatang puso jan.” Chinat ko si Sapphire sa FB at nagsend ng print screen ng palitan ng comments ni Kiarra at Peter.

.

“Wow at saakin mo pa sinabi yan, wag mo kong idamay sa nawawasak mong puso Skye ha.” Natawa naman ako sa reply niya. Kunware lang to eh, nasasaktan naman talaga.

.

“Hay nako Sapphire, basta ako nakakapagmove-on na.” Biro ko sakanya.

.

“Oo at mukhang ako yung ginagamit mong instrument dyan sa pagmumove-on mo, nako tigilan mo ko. Kung nasasaktan ka talaga sa landian moments nila, you can spill it to me. Hahaha.”

.

“Hahaha! Ulol ka. Kakasabi mo nga lang nung isang araw na nagkagusto ka talaga kay Pedro.”

.

“NAG okay? Ibig sabihin past na. Ewan ko sayo Langit, nanggugulo ka nanaman.”

.

“Oo kasi ako na yung gusto mo noh? Hahaha.”

.

“Sige Mr. Yolanda, naiintindihan kita. Mag-move on ka lang. Mamaya na nga lang at masakit ang chan ko.”

.

“Takte, anyare sa chan mo? Wag mong sabihing?”

.

“Oo Skye, tama ang naiisip mo.”

.

“Pero paano? Wala pa tayong ginagawa buntis ka na?”

.

“Ikaw naman kasi eh, nakakabuntis yung mga matatamis mong salita, ang sarap isuka. HAHA.” Natawa ako sa reply niya, ang kupal talaga.

.

“Shit naman oh, sigurado ka bang sakin yan?”

.

“MALAMANG! HINDI AKO BAYARAN PARA MAGPABUNTIS SA IBA, TANGA.”

.

“Naniniguro lang baka kay Pedro yan eh!”

.

“Hahaha bwisit ka, dinadamay mo ko sa kalokohan mo. Gawa ka nalang ng plates mo dyan, mag-aaral na ko. Bye!” At nag-offline na siya, loko loko talaga yung babaeng yun, siya naman yung sumasakay sa kalokohan ko.

.

                Mas naging close kami ni Sapphire nung mga lumipas na araw, madalas kami mag-usap kahit wala namang kwenta yung pinag-uusapan naming dalawa, madalas din nag-oopen ako sakanya tungkol kay Kiarra na wala na yatang ibang emotion sakin bukod sa pagiging cold niya, inamin ko naman din kay Sapphire na medyo nawawala na yung kagustuhan ko kay Kia dahil alam ko namang wala ng mangyayari. Madalas parin naman silang magkasama ni Peter kaya inaasar niya rin ako lagi na wag daw magselos dahil loyal naman siya sakin, feeling talaga yun masyado.

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon