SIDE 15
Dahil sembreak ngayon eh andito kami sa Bataan para bisitahin yung lola ko at siyempre magkachat kami ni Sapphire ngayon. Di parin daw siya makaget-over sa kalandian ko nung huli naming pagkikita kaya natatawa ako sakanya.
.
“Napakalandi mo! May halik halik ka pa sa noo ko.”
.
“Gustong gusto mo naman!” Biro ko sakanya habang natatawa pa kong itype yan.
.
“Hoy hindi noh! Nangamoy alak yung noo ko! May pa-mahal ko mahal ko ka pa dyan ah.” Natawa ko lalo sakanya kasi ang pakipot nya eh kinilig naman siya nun.
.
“Kinilig ka naman eh! Ikaw talaga, tama talaga hinala ko sa’yo eh.”
.
“Ano nanaman ha?!”
.
“Na crush mo talaga ko. Hay nako Sapphire, sinasabi ko sayo wala kang pag-asa sakin.”
.
“HAHAHA Joker ka talaga forevs. Sige na later nalang!” Paalam niya.
.
“Okay, wag mo ko mamiss masyado.”
.
“Whatevs.” Naglog-out na siya pagkasabi niya nun kaya naglog-out narin ako.
.
Napag-isipan naming magpamilya na pumunta ng Subic para magswimming at para makapagbonding na rin, medyo marami yung tao pero sanay na kami kasi suki naman kami ng Subic at meron namang bahay dito yung lola ko.
.
Mga hapon na nun nung tumigil kami kakalangoy sa dagat pinupuri pa nga ko ng mga pinsan ko dahil medyo lumaki na raw yung katawan ko at nagkakamuscles na. Naalala ko naman tuloy yung tinitignan ni Sapphire yung abs ko, aba kunwari lang talaga siya nun at kung ano ano pang medical terms na ginamit para lang makalusot sa pag nakaw niya ng tingin sa maganda kong katawan.
.
Pag-uwi namin sa bahay ng lola ko eh agad agad ko ng binuksan yung laptop ko para makapagFB. Ewan ko ba, game na game kasi akong asarin tong si Sapphire kahit wala pa naman akong gaanong nararamdaman sakanya, sadyang natutuwa lang ako sa maloko niyang personality.
.
“I love you – with Peter San Pedro” Natawa ako bigla nung makita yung status ni Sapphire, ni-like ko yun at tinignan ko naman agad yung mga comments.
.
“Peter San Pedro: I love you too babe. :”)” Naging sila na ngang dalawa. Natatawa kong sabi sa sarili ko.
.
“Amihan Padilla: Hoy Pedro, hinacked mo ba tong si Fire??” Natawa ko pagbasa ko ng comment ni Ami, pati magcomment parang mananampal eh.
.
“Peter San Pedro: Hindi noh! Napag-usapan na namin ‘to.”
.

BINABASA MO ANG
HIS SIDE
Roman d'amourI've always thought she will never be a part of my book. But my mistake, because now... She's the beginning and the end of my every chapter