CHAPTER 17
After that night mas naging vocal ako sa feelings ko para kay Sapphire, mas madalas ko siyang itext para ipaalala sakanyang gusto ko siya, madalas sabay kaming natutulog ng 3am gawa ng paggawa ko ng plates at pagreview niya naman para sa exams niya, madalas na rin kaming magkasama dalawa pero yun nga lang patago.
“Ang gara naman mag-med, araw araw exam?” Sabi ko kay Sapphire habang naglalaro ng 2048 Puzzle.
“Hindi naman noh. Recitation ganon, siyempre minimake sure nung prof na nagbabasa kami. Di kaya biro mag med.” Sagot naman niya habang nirereview yung makapal niyang libro.
“Ahhh. Parang feelings ko lang pala sayo yan noh?” Tinignan nya ko ng “ano nanaman look.” “Hindi biro.” Natawa kami pareho sa banat ko. “Pero bat ka pa nagmed kung di pala biro?”
“Eh pangarap ko kaya maging doctor noh. Kaya pagsisikapan ko talaga.” Sagot niya na parang iniimagine pa niya yung future.
“Dibale, pagsisikapan din kita, ikaw kasi ang pangarap ko eh.” Kinurot naman niya ko bigla.
“Hay nako Eros Skye! Ang ganda ko lang talaga.” Pagmamayabang niya.
“Onga eh, kada araw ata gumaganda ka lalo sa paningin ko.” Nilapit ko lang naman yung mukha ko sakanya lalo. “Siguro nilagyan mo ng gayuma yung beer ko nung nag-inuman tayo.” At biglang tinulak niya yung mukha ko kaya natawa ako.
“Hoy ang kapal mo ha. Sadyang maganda lang talaga ko kaya di mo natiis yang nararamdaman mo para sakin.” Umirap sya bigla kaya kiniliti ko siya tapos nagtawanan kaming dalawa ang PDA siguro naming tignan ngayon.
Napatigil kami sa paghaharutan nung nilingon namin yung tumawag kay Fire. “Apoy??”
“Amihan?!” Sabay naming sabi.
“Anong ginagawa mo dito?”Tanong ni Sapphire sakanya na nag-ayos pa ng sarili.
“KAYO. Anong ginagawa NIYO dito?” Inemphasize talaga ni Ami yung KAYO at NIYO at dahil sa ang taray nung pagkakatanong niya pakiramdam ko masasampal ako ulit.
“Ami kasi—“
Hindi ako pinatapos ni Fire at nagsalita bigla. “Nagpapatulong ako magdrawing kay Skye, alam mo na adver eh. Magaling magdrawing.”
“Ganun ba? May drawing drawing pala sa med?” Tanong ni Ami na parang di convinced sa palusot ni Fire.
“Anatomy.” Mabilis niyang sagot.
BINABASA MO ANG
HIS SIDE
RomanceI've always thought she will never be a part of my book. But my mistake, because now... She's the beginning and the end of my every chapter