Side 3

564 33 3
                                    

SIDE 3

                It’s been a week mula nung nagconfess ako kay Kiarra. May nagbago naman kasi medyo napalapit rin ako sakanya… Bilang kaibigan.

“Friendzoned ka pare. Saklap.” Asar saken nung kabarkada kong si Philemon.

“Ulul. Sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat.” Tapos nagtawanan sila.

“Pero sa sitwasyon mo, sa pagkakaibigan magsisimula at matatapos ang lahat.” Binatukan ko naman ng malakas si Phil, loko kakasimula pa nga lang ng damoves ko eh pangungunahan na niya.

“Kay Hany ka nalang kasi. Diba han?” Sabi nya habang nagsesketch kaya tinignan siya ng masama ni Hany.

 

“Hay nako Phil, tigilan mo ko ah.” Natawa naman ako kasi umirap pa siya kay Philemon.

 

“Nako mauna na nga ko, susunduin ko pa si Kia, my love, sa AB.” Paalam ko sakanila, inasar asar naman nila akong alalay at tagasundo, wag na daw ako umasa, walangyang mga kaibigan talaga ang meron ako.

 

                Nagsimula na kong maglakad papuntang St. Raymunds, sa field na rin ako dumaan kahit mainit shortcut kasi eh, ang isolated naman kasi masyado ng Beato.

“Skye!” Nakita kong kumakaway si Sapphire sakin kaya nginitian ko sya pabalik. “San ka?” Tanong niya sakin.

 

“Susunduin ko si Kia, aayain ko sanang maglunch.”

 

“Sabay na kayo samin!” Pag-aaya niya.

 

“Ay di na, baka nagmomoment pa kayo eh.” Kasama nanaman kasi niya si Peter eh, labo din neto hindi sila magMU, hindi rin sila pero lagi namang magkasama.

 

“Moment ka dyan, tara na kasi.” Di na rin ako umangal at pinuntahan na namin kagad si Kiarra, sakto naman palabas na siya ng building, ganda talaga niya.

“Uy Skye, bakit ka andito?” Bungad niya sakin.

 

“Huh eh... Diba maglalunch tayo?” Napakamot ako ng ulo, di ba niya nabasa yung text ko?

 

“Kasama kayo?” Baling niya kila Sapphire.

 

“Onaman! Double date to, Kia.” Sabi ni Peter sabay akbay kay Sapphire.

 

“Hoy double date ka jan, sila lang magdedate, makikisabay lang tayo.” Sabi niya pero parang gustong gusto niya naman yung pag-akbay sakanya ni Peter.

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon