SIDE 12
Tinignan nila kong tatlo at iba-ibang klaseng tingin ang nakuha ko. Kay Peter, parang nag-wawarning look. Kay Amihan, mataray na look at kay Sapphire naman eh parang weh look lang, nagpalusot nalang ako at umakbay kay Kiarra.
“Hoy, hindi ah. Ano ka ba Kia, ikaw lang tinitignan ko.” Palusot ko.
“Oi wag mong mahawak-hawakan yan si Kiarra ah! Masasampal ulit kita!” Banta ni Amihan. Gusto kong matawa kasi ang OA niya magreact pero ayaw ko nang masampal ulit kaya sinunod ko na lang.
.
“Sorry na Amihan, nagseselos ka naman agad. Olika, ikaw akbayan ko.” Biro ko at tinignan niya ako ng masama kaya kinabahan ako bigla at dumistansya sakanya.
.
“Ugh! Bwisit ka talaga!” Nagwalk-out naman siya kaya natawa sila Sapphire.
.
“Pikon talaga nun noh.” Natatawa kong sabi habang sinundan siya ng tingin.
.
“Oi ikaw Skye ah, nagiging crush mo na ko niyan. Nako, wala kang pag-asa sinasabi ko sayo.” Pagmamayabang ni Sapphire at dinuro pa ko.
.
“Hoy Ondoy, wag ka nga magfeeling dyan.”
.
“Fire, cr lang ako.” Singit bigla ni Peter at di na niya pinagsalita si Fire kasi umalis na siya agad.
.
“Nako Apoy, nagselos yata!”
.
“Ba’t naman siya magseselos eh wala namang sila noh.” Sabi ko nang nakatingin ng seryoso kay Sapphire.
.
“Yieehh! Ikaw talaga Skye crush mo na tong si Apoy eh!” Sabat naman ni Kiarra na kinikilig kilig pa, takte naman siya nga tong gusto ko eh.
.
“Nako Kiarra, hindi talaga. Saka sa’yo kaya nanggaling yun, diba yung nagselos ako kay Red.” Nagweh lang naman sila pareho kaya tumayo nalang ako. “Ewan ko sainyo, sige kukuha lang muna ako ng maiinom.”
.
Pumunta na ulit ako dun sa bar para kumuha ng maiinom at baka sakaling mawala yung imahe ni Sapphire na parang nastuck na yata sa isip ko, di ko maintindihan kung bakit parang nagrereplay yung pagsayaw niya ng gentleman eh.
.
“Pwede bang si Kiarra lang?” Bulong ko sa sarili ko habang sinasabunutan ko yung sarili ko.
.
“Boss, ito pure Absolut.” Pagbigay naman ni kuya barista eh ininom ka na agad yung vodka, umasim tuloy yung mukha ko. “Mukhang may pinagdadaanan tayo boss ah?” Nakangiting sabi ni kuya barista.
.
Ngumti din naman ako pabalik. “Di kuya medyo nasiraan lang yata yung isip ko ngayon.” Natawa naman si Kuya at umiling-iling pa, ngumiti lang naman ako at umalis na.

BINABASA MO ANG
HIS SIDE
RomanceI've always thought she will never be a part of my book. But my mistake, because now... She's the beginning and the end of my every chapter