Side 14

504 43 11
                                    

 

 

SIDE 14

.

                Busy lahat ng Thomasian sa finals week kaya lahat nalang yata ng nakikita ko eh nag-aaral, oonti lang siguro yung nakikita kong petiks. Si Sapphire nga eh, di ko expect tindi pala mag-aral nun, kasi akala ko petiks lang siya sa buhay niya pero hindi kasi pinatay niya yung phone niya buong week para daw walang manggulo. Si Kiarra tuloy yung nakakausap ko this week, kamustahan pero syempre bilang magkaibigan na lang.

.

“Bro, last day naman natin bukas, chill tayo pang sem-ender lang.” Pagsasuggest ni Liam.

.

“Oo nga. Skye sama mo sila B!” Sabi naman ni Philemon.

.

“Baka naman di sumama yun, baka mahiya.” Sabi ko naman kasi kakakilala palang naman naming nun Monday eh.

.

“Hindi yan! Tropa tropa naman na tayo eh.” Ace.

.

“Sige sasabihin ko nalang.”

.

                Dahil nakapatay nga ang phone ni Sapphire eh sinubukan ko siyang bisitahin sa TomCat, nagbabakasali lang naman akong andun siya.

.

“Oh Skye? Long time ah.” Nakipaghand shake naman ako kay Yohan.

.

“Haha. Kaya nga eh.” Nakangiti kong sabi sakanya.

.

“Oh ano ginagawa mo dito?” Singit ni Kiarra at hinanap naman bigla ng mata ko si Sapphire pero wala naman siya dito, nagrereview siguro.

.

“Ano kasi hinahanap ko si Fire, may sasabihin lang sana.”

.

“Ah si Fire, magkasama sila ni Pedro ngayon eh.” Nakangiting sabi ni Kiarra at sa di malamang dahilan eh bigla akong nainis. Hindi naman nakakabadtrip yung ngiti ni Kiarra, bakit ganun?

.

“Ay ganon ba?” Maiksi kong sabi.

.

“Oo, ano bang sasabihin mo ako nalang magsabi.”

.

“Ay hindi na.” Tapos tinignan ko siya. “Uhh.. Kumain ka na ba? Meryenda? Tara kain tayo.” Alok ko.

.

“Oh tara, sabay na tayo. Balak ko rin kumain eh.” Sabi naman niya.

.

                Napunta kaming dalawa ni Kiarra sa McDo P.Noval, alam kong di ko dapat siya niyaya pero di kasi napigilan ng sarili ko nung malaman kong magkasama si Peter saka Fire, ang weird.

.

“Ikaw ah, may nahahalata ako sayo.” Biglang sabi ni Kiarra habang kumakain ng fries. Tinignan ko naman siya ng “Ano yun” look. “Kay Sapphire.” Nakangiti niyang sabi.

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon