Side 6

513 32 7
                                    

 

 

SIDE 6

 

                Sumikip yung dibdib ko bigla, gusto kong sumigaw pero pakiramdam ko wala akong boses. Pakiramdam ko rin nabingi ako dahil boses lang niya at ang sinabi niyang “Gusto kita Skye. Gustong gusto.” ang naririnig ko ngayon. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o pinagtitripan niya lang ako basta ang alam ko lang ang bilis ng tibok ng puso ko at ang saya saya ko.

 

“Oi, ayos ka lang ba?” Pinoke niya yung balikat ko ng paulit-ulit.

 

“O-oo. Oo, ayos lang ako, siyempre naman!” Ngumiti ako sakanya.

 

“Para kang natameme sa sinabi ko eh.” Seryoso ka ba, sino ba naman kasi hindi matatameme sa sinabi mo. Sabi ng isip ko. “Wala ka sa mundo Eros Skye. Tara na nga, may klase pa tayo pareho.”

 

Hinawakan ko yung kamay niya at ngumiti. “Teka Kia, seryoso ka ba?”

 

“Saan?” Kunot noo niyang tanong pero nakangiti parin ako sakanya.

 

“Na gusto mo ako?”

 

“Skye, gusto kita...” Ngumiti siya kaya napangiti rin ako lalo. “Parang si Sapphire, Amihan, Pedro. Gusto ko rin.” Nagulat ako sa sunod niyang sinabi at nalabuan ako.

 

“Kia, di ko maintindihan?” Dahil naguluhan na ko, gusto niya ko pero gusto din niya sila Peter?

 

“Gusto kita bilang kaibigan ko, masaya ako na andyan ka.” Nakangiti siya pagkakasabi nya nun at ako naman unti-unting nabura yung ngiti sa labi ko.

 

“Kia, magka-iba yata tayo ng definition ng GUSTO.” Nilakasan ko yung pagsabi ko nung GUSTO para marealize naman niya at tinignan ko siya ng seryoso.

 

“Bakit ano bang akala mo?”

 

“Akala ko gusto mo na rin ako, tulad ng pagkagusto ko sa’yo. Pero masyado lang pala akong nag-assume.” Nawala yung ngiti niya pagkasabi ko nun. Nakakainis naman kasi, alam niya kung anong nararamdaman ko sakanya tapos sasagutin pa niya ko ng ganun.

 

“Umayos ka nga Skye, ilang months pa lang tayong magkakilala.” Pagrarason naman niya.

 

“Ilang months kitang hinintay Kia, ilang months ko hinintay to!” Nasigawan ko siya dala ng pagkainis, nakita ko namang nagulat siya at yumuko. “I-I’m sorry Kia.” Hahawakan ko pa sana yung kamay niya pero biglang niyang nilayo. “Ihahatid na lang kita sa AB.” Alok ko.

 

“Wag na Skye. Kaya ko sarili ko.” Tumalikod na siya para maglakad pero pinigilan ko siya.

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon