Side 5

497 32 1
                                    

 

 

SIDE 5

 

“Sapphire anong sabi mo??” Gulat na tanong ni Kia na ikinagulat din namin ni Sapphire. Lumapit naman agad si Sapphire kay Kiarra na may hawak na sundae at lumayo ng onti samin tapos parang nagbulungan.

 

“Cute ni Sapphire noh?” Singit ni Peter habang nakalingon at nakatitig pa kay Sapphire.

 

“Cute din naman si Kiarra.” Sagot ko sakanya habang pinagmamasdan din si Kiarra.

 

“Ano nagustuhan mo kay Kiarra?” Tanong niya sakin.

 

“Lahat ng pwedeng magustuhan sakanya.” Tumatango siya at binigyan ako ng “ah okay” look. “Ikaw? Kay Sapphire?” Tanong ko din sakanya, kasi parang patay na patay siya kay Sapphire eh, yung may feelings talaga yung bawat pagtingin niya sa matakaw na babae na yun.

 

“Ewan ko. Bigla ko nalang siyang nagustuhan eh.” Nakangiti niyang sagot at parang may halong kilig pa kasi parang nireminisce nya yung unang araw niyang nagustuhan si Sapphire.

 

“Oi anong pinag-uusapan niyo?” Biglang yumakap si Sapphire kay Peter. Napaisip tuloy ako kung seryoso bang hindi sila kasi ang touchy nila masyado sa isa't isa.

 

Hinawakan naman ni Peter yung kamay ni Fire at ngumiti. “Wala, kinikilala lang naming ang isa’t-isa.”

 

“Ah okay. Tara na nga Peter, magmomoment pa tong si Skye saka Kiarra.” Nginitian ako ni Sapphire at kumindat pa, napangiti rin tuloy ako.

 

“At magmomoment rin tayong dalawa.” Tumayo na si Peter nun at inakbayan si Sapphire.

 

“Che! Osya, Skye ikaw na bahala dito ah. Bye Kia, love you!” Nagflying kiss siya kay Kiarra na ikinatuwa naman din niya, nung kami nalang dalawa yung naiwan sa table medyo tumahimik kaya nailang ako.

 

“Ahhh. Hi.” Naiilang kong bati kay Kia pero pinalo lang niya yung kamay ko.

 

“Ang awkward mo.” Natawa pa siya pagkakasabi niya nun, nahiya naman ako bigla.

 

“Eh nahiya kasi ako sayo nung narinig mo yung sabi ni Sapphire.” Sabi ko habang nagkakamot pa ng ulo. Tae, natutuliro nanaman ako kay Kiarra.

 

“Sus. Okay lang yun. Kilala ko naman yun si Sapphire, makulit talaga.” Nag-ngitian lang kami at nagkaroon nanaman ng akward silence.

 

“Uhm… Paano nga pala kayo nagkakilala?” Tanong ko bigla.

 

“Schoolmates kasi kami nung HS. Mas matanda nga lang siya sakin ganun, actually kaming apat eh. Si Peter, Fire, Amihan at ako.”

HIS SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon