.
.
SIDE 19
.
“Ano nanamang kalandian ‘to ha?!” Natatawa niyang tanong matapos basahin yung isinulat ko sa kamay niya.
.
“Ikaw bahala kung paano mo siya iintindihin.” Sabi ko naman nang nakangiti sabay balik ng ballpen niya.
.
“I L… Y… Sapphire, ano to? I like you parin to eh!” Natawa naman ako sakanya dahil pinipilit niyang alamin kung ano ibig sabihin nung sinulat ko sa kamay niya.
.
“Hindi pa yan buo, hindi pa kasi ako sigurado eh. Pero alam kong mabubuo’t mabubuo rin yan.” Tinignan lang naman niya ko kaya nginitian ko siya. “Balang araw hindi na kita gugustuhin…”
.
“At bakit nanaman ha? Maglalandi ka nanaman sa iba?!” Tumaas pa yung isang kilay niya.
.
“Hindi na kita gugustuhin kasi mamahalin na kita, mahal ko.” Hinilamos niya yung kamay niya sa mukha ko pagkasabi ko nun. Eh sa yun naman ang totoo.
.
“Hay nako Eros Skye, magpapagupit na ako mamaya.” Kumunot naman yung noo ko pagkasabi niya nu at binigyan siya ng “bakit” look. “Pakiramdam ko kasi ang haba ng hair ko.” Dagdag niya kaya natawa kami pareho.
.
Matapos namin magkaaminan sa Pav ng St. Martin’s eh inaya ko ng kumain si Sapphire, yun naman kasi magpapaligaya sakanya ang pagkain ng kung anu-ano. Nagkwentuhan lang din kaming dalawa habang kumakain at nakakatuwa dahil parang walang ilangang naganap samin, parang kupalan parin pero may halo ng sweetness.
.
“Sige na Langit. Umuwi ka na’t babyahe ka pa.” Paalam ni Fire sakin pagkahatid ko sakanya sa Pacific.
.
Ngumuso lang naman ako at tinuro yung lips ko. “Kiss ko?”
.
“Kiss ka jan! Abusado ka ha. Saka na yun pag tayo na.” Natatawa niyang sabi at umirap pa. Sports ata neto yung pag-irap talaga eh.
.
“Sabi mo yan ah! May pag-asa pala talaga ako.”
.
“Che! Malandi ka!” Natawa naman kaming dalawa at siyempre umirap nanaman siya. “Sige na, alis na, sakay ka na ng jeep.” Ngumiti lang naman ako sakanya at naglakad na dun sa may abangan ng jeep.
.
“Bye mahal ko!” Sigaw at kaway ko pero nilapitan lang naman niya ko bigla. Aba miss ako agad oh.
.
“Ano ba, nakakahiya!” Bulong niya sabay kurot sa tagiliran ko nakiliti tuloy ako ng bahagya kaya natawa siya.
.
“Eto naman oh. Aalis na nga eh! Osige na, bye Fire!” Paalam ko sakanya at sumakay na ng jeep dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko at sa dorm na niya ko magpalipas ng gabi.
BINABASA MO ANG
HIS SIDE
RomanceI've always thought she will never be a part of my book. But my mistake, because now... She's the beginning and the end of my every chapter