Chapter 5

1.1K 31 1
                                    

+++++

Mission

Agad kong sinumbong kay Philip ang nangyari at mabilis niyang pinaimbistigahan kung sino ang may gawa no'n pero hindi matukoy kung sino. Hirap siya at isa lang ang ibig sabihin no'n, maimpluwensiyang tao ang may kagagawan no'n kanina. He did an investigation at lahat siya ang humawak pero wala. Hindi talaga niya naalam kung sino.

Philip was here in my room right now at kanina pa siya palakad-lakad ng pabalik-balik sa harapan ko. Konti nalang ay maduduling na'ko dahil ilang minuto na siyang ganyan sa sobrang pag-iisip. Kanina pa ako nagtitimpi na batuhin siya ng unan. Seriously, bakit hindi nalang siya umupo kaysa sa magpalakad-lakad sa harapan ko?

"I know it's him," ito ang paulit-ulit niyang sinasabi.

Sinong him? Sinong tinutukoy niya? May suspect na ba siya? Kilala ko ba ito o hindi? Damn! Kahit ako ay nafufrustrate sa nangyari sa SRJ Building. Hindi naman kasi biro iyon. Sino ba naman kasing matinong tao ang magpapaputok ng baril ng walang motibo? Wala diba? Maliban nalang kung may atraso ako sa kanya o hindi kaya 'yong askal na nakasama ko.

"Malakas ang kutob ko na siya," he monologue.

Napataas ang kilay ko. Sino ba ang tinutukoy niya? Bakit pakiramdam ko ay nalolost in found ako? At seryoso, hindi ko alam kung anong trip niya ngayon. Tinititigan niya ako na para bang sa akin ang sagot sa lahat ng iniisip niya. Nainis ako kasi pinaningkitan niya pa ako ng mata. Kasalanan ko sa baklang ito?

Ibinuka niya ang kanyang bibig na parang may sasabihin sa akin tapos si ako naman ay handa na sanang makinig pero agad din itong tumalikod at muling naglakad nang pabalik-balik.

"Sino ba talaga ang nasa likod nito?" he muttered.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong batuhin siya ng unan. Walang hiya. Nag-expect akong may sasabihin siya tapos wala naman pala. Ang laking paasa din ng baklang ito e.

"SM!" he shrieked.

"Para kang baliw diyan!"

Mas malala pa siya sa akin sa totoo lang. At hindi ko maintindihan kung anong pinoproblema niya. Tungkol pa ba ito sa nangyari sa akin o iba na? Para kasing may iba pa siyang inaalam bukod sa nangyari doon sa SRJ Building.

"Heh! Nag-iisip ako!"

At ano naman ang iniisip niya? Para na siyang baliw sa paningin ko sa totoo lang.

"Ano ba kasi yan ha?!" singhal ko.

"Tungkol ito kay Jeth! May mali kasi e," he said, thinking that what he said is really suspicious.

Tungkol kay Jeth? Naging alerto ako at umayos ako ng upo.

"Anong tungkol sa kanya?"

"Basta!" sabi niya.

Napalabi ako. Ang sarap batukan ng baklang ito ah? Bakit ba ayaw niyang sabihin sa akin ang iniisip niya?

"May mali talaga! Gusto kong alamin 'yon!" he said, with finality.

Naguguluhan ako. Ano ba kasing mali ang sinasabi niya? Hindi ko maintindihan. May nangyayari na naman bang hindi ko alam? Bakit anong mali sa kay Zenberg? Bakit hindi ko man lang napansin iyon?

Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Philip. Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko nalang ang sarili ko na kasama ang mga kaibigan kong babae na nakaupo sa pang-isahang upuan, mahaba na kasya kaming anim. Antok pa kaming lahat at ni isa sa amin ay hindi pa nakakapag-toothbrush. Alam ko dahil hinablot lang kami isa-isa sa mga bahay namin para makapunta dito. Walanghiya kasi si Philip ayaw kaming tantanan.

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon