Chapter 21

850 25 1
                                    

++++

Avoid

Hinayaan ako ni Olivia na lumaya pero sa isang kondisyon; iyon ay ang saktan si Zenberg kapalit ng kalayaan at buhay nina Nanay at Tatay.

Para akong isang lantang gulay habang papasok sa bahay. Nang buksan ko ang pinto ay agad na bumungad sa aking ang mga mukha ng mga taong malalapit sa'kin. I saw how they worried about me especially him.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Hindi ko napigilan ang sarili nang makita ko silang lahat, nag-aabang at nag-aalala.

Unang yumakap sa'kin Michael na sinundan naman ng lahat. Niyakap ako ng aking Ama at hinalikan sa noo.

"Sinaktan ka ba nila?"

Umiling ako kahit na ang totoo ay sinampal ako ni Olivia.

"Okay lang po ako Bà."

My body is okay but my heart wasn't. Iniisip ko palang ang gagawin ko ay winawasak na ang puso ko. Hindi ko kaya pero kakayanin ko para sa kaligtasan ng mga taong nagpalaki sa akin.

Napatingin ako kay Zenberg na alam kong naghihintay lang kung kailan ako lalayuan ng aking Ama. Alam kong gusto niya akong yakapin pero bago niya gawin iyon ay inunahan ko na siya.

"Akyat lang po ako. Gusto kong magpahinga," sabi ko na parang wala lang nangyari. Na napagod lang ako at hindi kinidnap ni Olivia. Na hindi sila nag-alala sa'kin ng husto.

Nagkatinginan silang lahat at hindi umimik. Ramdam ko ang pagsisimpatya nila sa akin.

I went to my room, slightly tired and in pain. Binagsak ko ang katawan sa kama at tuluyan ng umiyak ng tuluyan.

Paano ko sasaktan ang taong mahal ko? Paano ko siya pagbabayarin sa ginawa niyang pananakit sa'kin?

Paano? I sighed.

Ang hirap, sobra.

Nagising ako nang makaramdam ng matinding gutom. Bumaba ako para sana kumain pero biglang lumiit ang atay ko ng makita si Zenberg si kusina, nagluluto.

Napahawak ako sa dibdib ko at nagpasyang bumalik nalang muli sa kwarto. Paano ko siya masasaktan kung ganitong takot naman akong harapin siya? Sa tuwing nakikita ko siya ay sobrang bilis ng kabog ng puso ko na hindi maintindihan.

Napatingin ako sa aking tiyan ng tumunog ito. Napanguso ako. Nagugutom na'ko. Simula kanina ay hindi pa nalalagyan ng laman ang tiyan ko.

"Hoy tiyan, huwag ka munang mag-alburuto please!"

Umingos ako at nagpagulong-gulong sa kama. Gutom na talaga ako kaya bahala na!

Bumalik akong muli sa ibaba at nandoon parin si Zenberg. Nagluluto ng mag-isa. Napasinghot ako dahil sa bango ng niluluto nito. Lalo tuloy akong natakam!

"Polkadots," tawag nito ng makita niya ako.

Hindi ko ito pinansin at nagbinge-bingihan lang. Sekretong sinulyapan ko ang niluluto niya at shit lang paborito ko pa! Chicken Curry na maanghang dahil marami akong nakitang sili.

Naku naman Sunny! Maghunos dili ka! May mission kang dapat gawin iyon ay ang saktan siya. Tandaan mo ang Nanay at Tatay mo ang nakasalalay dito.

Tumikhim ako pumunta sa fridge para tingnan kung ano ang pweding kainin. At halos sambahin ko ang refrigerator namin ng makitang may natira pang cake.

"Okay na to," bulong ko sa sarili ko.

Kinuha ko ito at nilapag sa lamesa. Kukuha sana ako ng tinidor ng makitang nakaharang si Zenberg sa dinadaanan ko at ang matindi ay sobra ang pagtitig nito.

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon