Chapter 19

1K 34 0
                                    

++++

Rape

Naalimpungatan ako nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Babangon na sana ako ng maramdaman kong may mabigat na bagay na nakadagan sa bewang ko at pagtingin ko ay kamay pala ni Zenberg.

Tinapik ko iyon na para bang nandidiri ako sa kamay niya. Kung makahawak sa bewang ko parang kami ah. At talagang dito pa siya natulog! How dare him. Pinitik ko ang ilong niya sa sobrang inis.

"Shitzu ka talaga," bulong ko dito. Hindi naman ito nagising kaya napagpasyahan kong bumangon at pagbuksan ang lintik na kumakatok ngayon. Kay aga-aga nambubulabog ng kwarto!

"What?!" masungit na sabi ko habang inaantok pa. Nawala lang iyong antok ko ng wala naman pala akong kausap.

"Hello Mommy Polkadots!"

"Ay kabayo!" sabi ko sa sobrang gulat. Damn it!

Akala ko minumulto na'ko iyon pala isang bulinggit ang kumakatok sa pinto.

"Baby Ren!"

Umupo ako at pinantayan siya. Ngumite ako sa kanya at inayos ang magulo nitong buhok. Ang gwapo talaga ng batang ito. Tiyak ako na paglaki nito, maraming babae ang hahabol sa kanya. Huwag lang talaga siyang tumulad sa Daddy Jeth niyang manloloko. Naku, kapag nalaman ko, malalagot sa akin ang batang ito.

"Sinong kasama mo?"

"Where's Daddy Jeth, Mommy?"

Napangiwi ako ng hindi man lang nito pinansin ang tanong ko. Pinisil ko ang pisnge nito sa sobrang panggigigil. Ang cute-cute niya talaga. Naku!

"Ouch."

"Hala! Sorry. Ang cute mo kasi!" sabi ko dito.

"Hello buddy."

"Daddy Jeth!"

Napasimangot ako ng lampasan ako ng bata saka pumalambitin sa Daddy Jeth niya. Sobrang higpit ng yakap sa kanya ni baby Ren kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tsk. Mang-aagaw! He smirked.

"Who's with you? Why are you here?" Zenberg asked the kid.

Baby Ren pouted his lips. Ay, ang cute peste!

"Umm. I'm with Mama. And I am here because I want to ask Mommy Polkadots if where is my wife? I want to see my wife," he innocently said.

Nasamid ako ng sariling laway dahil sa sinabi niya. Naku namang bata ito. Sa tuwing nagkikita kami ay asawa niya ang palaging bukang-bibig niya. Hindi ba siya nagsasawa sa hinihingi niya?

Napatingin ako kay Zenberg ng makitang nakangisi ito. Tinapunan ko siya ng nakakamatay na tingin. Subukan mo lang paasahin ang bata makakatikim ka talaga sa akin ng upper strike Zenberg.

"Mommy Polkadots, where is she?"

Napakagat ako ng labi ko ng wala akong maisip na sabihin. Naku naman! Anong isasagot ko sa bata? Na wala pa? Hindi pa nabubuo kasi hindi pa nagagawa? Aish, bakit ba kasi asawa agad?

"Umm. Baby Ren kasi..."

"You'll see her after 1 year," sabi ni Zenberg sabay kindat sa'kin.

Napaiwas ako ng tingin ng maramdaman ang pag-init ng pisnge ko. Peste, shitzu talaga siya. Ang lakas parin talaga ng epekto niya sa'kin kahit na ang laki ng kanyang kasalanan.

"Really? I am so excited to see my wife!"

Baby Ren giggles. Oh, so cute! Sana ganyan din ka cute ang magiging anak namin ni Zenberg. Wait what? Namin? No, no. Anak ko lang pala. Let me rephrase it, sana ganyan ka cute ang magiging anak ko. Anak ko lang hindi namin!

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon