Chapter 42

773 26 9
                                    

++++

That night

Love really made a way for us to see each other again. And it was like a magic to me. Because I never thought that this would happen this day, in this wonderful night beside the sea. And at the same time, lalo pang nakadagdag ang musikang bumabalot ngayon sa buong lugar. The prince finally found his princess, ganito ko idi-define lahat ng nangyayari ngayong gabi. It was unexpected. It really does.

Dinamba ko ito ng yakap ng makitang akmang tatayo ito. Napahiga kaming dalawa sa buhangin na hindi iniisip na may dinadala ako sa aking sinapupunan. Mabuti nalang at hinawakan niya akong mabuti sa aking bewang kaya hindi ganoon kalakas ang impact ng pagkakatumba ko sa kanya. Hindi nito inaasahan ang gagawin ko kaya napamura ito. Agad akong huminge ng tawad sa kanya dahil baka lalo lang itong magalit sa akin.

"I'm sorry! I just missed you!"

"You really know what to do huh?"

Hindi ko na naintindihan ang sinabi niya sa'kin dahil umiyak na'ko ng tuluyan sa kanya. Wala na'ko sa isip ko para intindihin lahat ng sinasabi niya. Basta ang alam ko lang ay gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at paulit-ulit na sabihin ang 'Im sorry'. Sorry sa lahat ng ginawa ko. sorry sa pag-iwan ko at sorry sa paglayo ko sa anak niya.

"I'm sorry maboy ko. I'm sorry."

Naramdaman ko ang marahan na pag-alo niya sa'kin. Sobra-sobra ang pag-iyak ko dahil pakiramdam ko hindi kayang pawiin ng isang 'Im sorry' lang ang pag-iwan ko sa kanya. Alam kong sobrang sakit. Alam ko kasi ramdam na ramdam ko ang nagtitimping galit niya. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay nagawa niya parin akong hanapin. Na nandito siya ngayon akap-akap ko, nahahawakan ko at kahit anong oras ay pwedi kong halikan. I really loved this person in front of me. And I'm so blessed that we meet again. We meet again with this gangster!

Pinunasan niya ang luhang tumutulo sa mga mata ko. Umupo kaming dalawa sa buhangin pero hindi parin ito nagsasalita. Nakatingin lamang siya sa'kin na para bang hindi niya alam kong anong gagawin niya. Tumayo ito at pinagpagan ang sarili. Akala ko ay iiwan niya ako doon at aalis nalang. Pero nagulat ako ng bigla niya akong buhatin.

"Zenberg."

"Mahahamugan ka."

Tumango nalang ako imbes na magsalita pa ulit. After all that I've done to him, he manage to still care for me. Hindi parin nawawala iyong Zenberg na kilala ko.

Hindi ko alam kung kaninong bahay niya ako dinala pero ang alam ko lang ay malapit sa lugar kung saan kami nakatira ni Jelay. SIguro mga limang bahay lang ang nakapagitan mula dito. Maingat na inihiga niya ako sa kama. Akala ko ay tatabihan niya ako pero nagkamali ako. Umalis ito ng kwarto at iniwan ako doong mag-isa. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak lalo. Ayaw niya akong kausapin. Pero bakit niya ako dinala dito?

Huminga ako ng malalim at tumayo. Pero napatalon ako sa gulat ng bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Zenberg na may dalang pagkain at tubig. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa'kin. Bigla akong kinabahan ng makitang sobrang dilim ng mukha niya.

"Aalis ka?"

Hindi ko alam kung tatango ako o iiling. Aalis sana ako kasi akala ko ay iniwan niya ako dito pero ng makitang bumalik siya at may dalang pagkain at tubig, hihiga nalang ulit ako sa kama.

"S-sorry, akala ko umalis ka."

I bit my lower lip and looked at him with teary eyed. His jaw clenched even more and averted his gaze at his back, which is the door. Sinarado nito ang pinto bago inilapag ang hawak na pagkain sa katabing lamesa. Bumalik ako sa kama at umupo doon. Bawat galaw niya ay sinusundan ko. Pati ang paghinga ay inaabangan ko. At kitang-kita sa mga mata niya kung gaano ito kagalit.

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon