Chapter 3

1.1K 38 0
                                    

+++++

Gang Fight

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Bumangon ako sa kama at lumabas. Ganoon na lamang ako nainis ng makita ko ang mga kaibigan kong nagrarambulan sa sala. Nang makita nila ako ay agad silang napatingin sa gawi ko.

"Goodmorning!" bati nilang tatlo. Tiningnan ko sila ng masama.

"Anong ginagawa niyo dito? Kay aga-aga nambubulabog kayo ng bahay ng may bahay," sabi ko sa mga ito.

"Maligo ka na. May pupuntahan tayo," Justine said. Napataas iyong kilay ko. At saan naman kami pupunta?

"Saan?"

"Sa site," Sab said. Napakunot iyong noo ko. Sa site? Saang site?

"Anong meron?"

"Hmm...lets just say may nanghahamon ng away? Or I should rather say na may laban? Or pwedi ding may gang fight," Michael said.

"Akala ko ba quit na kayo sa pagiging gangster? Ano iyan, bakit pupunta parin kayo doon? At talagang isasama niyo ako doon?"

Ang lakas naman talaga ng trip nitong tatlong ito. Pero sige na nga, para malibang naman ako ay sasama nalang ako sa kanila. Tutal bagot narin naman ako dito sa bahay.

"Sumama ka nalang!" Michael said, sort of naiinis. I rolled my eyes to him.

"Psh. Sige ayos lang ako. Pakihintay ako ah?" sabi ko sa kanila.

Last time kasi na niyaya nila ako ay hindi pa ako nakakaayos no'n tapos ng balikan ko sila sa sala ay wala na ang mga peste. Iniwan nila ako at mag-isang pinapunta ng mall! Mga bwesit! Magyayaya na ngalang, iiwan pa'ko.

Mahigit trenta minuto ang nilagi ko sa kwarto para mag-ayos. Bumaba ako at naabutan ko silang nagrarambulan na naman. Hindi ko alam kung anong trip nilang tatlo.

"Huwag nga kayong magulo!" sabi ko sa kanila.

Tumawa ang Bakla.

"Tara na nga!" sabi nila.

PAGDATING namin sa site ay nagkakagulo na ang mga tao. Pumwesto kami sa taas para makita ang kabuuang ring kung saan nag-aaway ang mga gangsters. Hindi ito ang unang pagkakataon na pumunta ako dito. Pero hanggang ngayon ay naeexcite parin ako habang nanonood. Hindi ko alam pero parang gusto ko ring subukan ang makipag-away.

"Woaah!" sigaw ng mga tao ng mapagbasak ng kaliwang kalaban ang sa kanan. Halos magbunyi ang lahat ng makitang nanalo ang bet nila. Napangiti ako. Uso rin pala ang pustahan dito.

"Sunny dito kalang ah? Kami na kasi ang susunod na sasabak!"

Nanlaki iyong mata ko. Kasali sila?! What the heck! Ngumuso ako.

"Hoy! Ang daya niyo. Sali din ako!" sabi ko.

Ngumise silang tatlo.

"Sigurado ka?" Michael said while grinning.

"Of course mga beshies!" sabay tawa at sumunod sa kanila sa baba.

I am not prepared pero nakakaexcite sumali. First time ko ito at talagang gagalingan ko.

Naghiyawan ang mga tao sa paligid ng makita kaming apat. Sobrang lapad ng ngisi ko at ganoon din ang mga kaibigan ko.

"Meet your opponent!" sigaw ng Emcee.

Nagsigawan ang mga tao ng lumabas sa kabilang lane sina Kenneth, Ryan, Darryll at Nick girl. Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala. What the heck? Sila ang kalaban namin?

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon