Chapter 2

1.3K 31 0
                                    

+++++

Drunk in Pain

Bakit sa tuwing nagmamahal ka ay kailangang masaktan? Hindi ba pweding masaya nalang palagi? Iyong happy lang walang pain.

Bakit kung kailan masaya ka na, doon pa eextra si tadhana? Ganoon ba siya ka excited na paglaruan kami? Ganoon siya kaatat na basagin ang puso ko?

Napailing ako.

Sige lang saktan mo'ko tadhana. Tandaan mo, makakabangon din ako. Ipapamukha ko sa'yo na panalo ako!

"Sunny kalimutan mo na si Jeth."

Madaling sabihin kay hirap gawin. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang mga bagay na naging dahilan kung bakit ka sumaya at lumigaya. Tingin niya makakalimutan ko lahat sa isang upuan at tulog lang? No! It takes time to forget. It takes time to heal a broken heart. It takes time to move on and live again. It takes time to be a complete person.

Paano ko siya makakalimutan kung hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan. Okay naman kami ni Zenberg noon eh. Wala naman kaming naging away. Pero bakit hindi niya ako sinipot sa kasal namin? Bakit hinayaan niya akong maging mukhang tanga doon?

May mali ba sa'kin? May pagkukulang ba ako bilang fiancée niya? Kung oo, sana sinabi niya para mabago ko. Sana pinaalam niya para maging aware ako. Sana winarningan niya ako para hindi ganito katindi ang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap kasi. Ang hirap mag-move on kapag walang closure. Nakakatanga lang sobra.

"Tama na 'yan Sunny girl!" saway sa'kin ni Michael. Umiling ako.

Gusto ko pang uminom. Gusto kong kalimutan ang gagong Zenberg na iyon. Gusto kong kalimutan ang sakit kahit na panandalian lang. At ang kapal ng mukha niya para ibalik sa akin ang singsing!

I hate him very much. How dare him do this to me! Ang kapal ng mukha niya para sirain ang buhay ko.

"Ramdam ko parin ang sakit Bakla kaya hayaan mo muna akong uminom. Saka mo ako pigilan kapag nakalimot na'ko."

"Buhay nga naman oh!" I heard him said.

I am a mess. I sighed.

"Ilang linggo na ba Bakla? Isa, dalawa, tatlo?" Natawa ako ng wala sa oras. "Nasaan na kaya ang gagong iyon? Ni hindi man lang siya nagpapakita sa'kin. Desidido talaga siyang magtago sa'kin huh? Ha!"

Napailing ako. Pitong detectives! Biruin mo iyon? Sa pangpitong iyon, palpak! I'll try best! Leche!

"Tama na'yan Sunny girl! Lasing ka na!" saway ni Michael sabay tangka ng pagkuha ng bote sa kamay ko. Inilayo ko iyon sa kanya.

"No! Gusto ko pang uminom!"

Bakit ba niya ako pinipigilan? Gusto ko lang naman makalimot ah? Masama ba iyon?

Inuntog ko ang ulo sa lamesa. Pagod na akong umiyak pero sobrang sakit parin talaga. Parang gusto ko nalang magpakamatay.

"Sunny girl naman!" saway sa'kin ni Michael. Inangat ko ang ulo.

"Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?"

"Oh shut up! Hindi ikaw si Liza Soberano!" sabi nito sabay kuha ng bote sa kamay ko. Napabuntong hininga ako ng malalim. Siguro nga pangit ako at kapalit-palit.

Inagaw ko muli iyong bote kay Michael at ininom iyon ng deritso. Gusto kong magpakalasing. I'm hurt.

"Sunny naman! Nakakainis ka na ha!"

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon