Chapter 17

1K 29 0
                                    

++++++

Pregnant

Maaga akong nagising dahil sa hindi malamang dahilan. Tulog pa ang mga kaibigan ko kaya napagpasyahan ko na magluto nalang muna ng almusal. Habang nagpiprito ng itlog ay may nagdoorbell, isang beses, kaya binaliwala ko iyon. Baka isang nantitrip na tao lang ang may gawa no'n. Alam mo na sa panahon ngayon maraming mga taong mapaglaro. Hindi mo na alam kung seryoso pa ba o biro lang.

Nang matapos ako ay may nagdoorbell na naman. This time ilang beses na at parang atat na atat pagbuksan ito ng gate. Nainis ako dahil kung makapindot akala mo wala ng bukas.

Tinanggal ko iyong apron sa katawan ko at lumabas ng bahay. Wala namang tao kaya napakunot iyong noo ko. Pero sa labas ng gate ay may nakita akong kahon na nakabalot sa kulay pulang wrapper. Kinuha ko iyon at kahit na nagtataka ay dinala ko ito sa loob ng bahay.

"Ano kaya ito?"

Inalog-alog ko at medyo katamtaman lang ang bigat ng bagay sa loob. Tiningnan ko kung may sulat pero wala naman. Sino namang pokemon ang nagpabigay nito? Ano 'to, belated Merry Christmas? Tsk.

Pagpasok ko sa loob ay tamang-tama naman ang pagbaba ni Sabrina at Michael. Magulo pa ang buhok ng dalawa na halatang bagong gising.

"Good morning Sunny girl!" bati ni Michael sabay hikab.

"Ang baho ng hininga mo!" reklamo ni Sabrina sabay takip sa ilong nito. Natawa ako. Itong baklang ito at tomboy, hindi parin nagbabago.

"Sorry naman," sabi ni Michael.

"Ano iyang hawak mo?" tanong ni Sabrina imbes na pansinin iyong sinabi ni Michael.

"Ito?" Inangat ko iyong kahon. "Hindi ko alam kung anong laman," sabi ko sabay lapag sa lamesa dito sa sala.

Kinuha ni Michael ang kahon at sinuri. Inalog-alog niya pa ito ng ilang beses bago inilapit ang bagay sa kanyang taenga. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa'kin.

Inagaw ni Sabrina ang kahon at binuksan ito. Nagulat kami ni Michael ng biglang nagmura si Sab.

Bakit? Anong meron sa laman ng kahon?

"What the heck! Bomba!" Sabrina shouted kaya nagpanik kami ni Michael.

Thirteen seconds...

"Oh my god! Bakla!" sigaw ko.

Kinuha ni Michael ang bomba at mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Hindi na kami sumunod pa ni Sabrina sa kanya bagkos ay tumakbo kami papuntang kusina at doon lumabas dahil may secret pathway doon.

Abot hanggang langit ang kabang nararamdaman ko ngayon. Kung pwedi lang na himatayin ay ginawa ko na kanina pa. Nanginginig ako na hindi ko alam. Sobrang pag-aalala ang lumulukob sa sistema ko.

Sinong peste ang may gawa no'n? Bakit kailangan niyang gawin ito? Seriously, kung may galit siya sa kahit sino man sa amin, sana huwag siyang mandamay. Kung galit siya sa'kin, sana ako nalang iyong saktan niya huwag na iyong iba!

"Si Michael at Justine Sab!" I cried.

Baka napaano na ang dalawang iyon. Paano kung masabugan sila ng bomba? Paano kung gutay-gutay na ang mga katawan nila?

Lord, huwag naman sana. Sana gabayan niyo po iyong mga kaibigan ko. Please po Lord. Magiging mabait akong tao basta maging safe lang ang mga kaibigan ko.

"Kaya nila ang sarili nila Sunny! Let's go!"

Pakingtape! Bakit hindi ko man lang kasi naisip na baka bomba iyong laman ng kahon? Sana nag-isip muna ako. Sana pinagana ko ang utak ko. Madami kaming mga kalaban kaya paniguradong may gagawa nito. Sana naisip ko kanina na baka galing iyon sa kanila, that it's not safe accepting gifts for someone else.

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon