Chapter 6

1K 37 0
                                    

+++++

We Meet Again

Nakikisakay lang ako sa bawat salitang binibitawan ng matandang kausap ko ngayon. Hindi niya naman ako binubusuhan kaya wala akong naging problema sa kanya. Kwento lang iyong may kasamang landi. Pero iniisip kong si Ba ito para hindi naman ako gaanong mainis.

Kanina pa ako palinga-linga. Tinitingnan kung ano na ang nangyayari sa paligid ko. So far, wala pa namang signal galing sa kanila kaya patuloy lang ako sa ginagawa ko.

Nginitian ko si Mrie ng dumaan ito sa harapan ko. She winked at me. I shook my head. Itong babaeng ito kung makalakad parang walang anak. I sighed. Sexy parin at parang dalaga lang tignan.

Dumaan rin si Yanyan sa harapan ko. Paikot-ikot lang ang ginagawa nila habang hinahanap ang babaeng nasa litrato. Sinubukan kong hanapin ito sa paligid pero hindi ko siya makita. Habang nagkukwento si Mr. Hye sa'kin ay panay ang ikot ng mata ko.

Nakita ko si Sab. Sinusundan ang babeng sa tingin ko ay ang babae sa litrato. I excused myself at buti nalang pumayag ang intsik na ito.

Sinundan ko sila. Habang nilalakad ko ang daang tinahak nila ay nagulat ako ng biglang may humablot sa kamay ko. Akmang bibigwasan ko na sana ang may gawa no'n nang makilala ko kung sino.

"Hello chow chow...we meet again."

He was grinning from ear to ear while looking at me. Ang ngiti nito ang dahilan kung bakit sinapak ko siya ng todo. I hate him for making me startled. Akala ko kung sino na pero siya lang pala.

"Pakingtape ka akala ko kung sino!" singhal ko dito habang hinihimas niya ang kanyang ulo. Ngumuso ito habang nakasimangot.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko o hindi. But the way he looked at me right now ay parang minamanyak niya nako sa kanyang isipan. Bahagya akong lumayo kaya ngumise ito.

"Nice butt and boobs chow chow," sabi niya dahilan para manliit iyong mata ko. What the hell did he say? My butt and my boobs?

Pakingtape! Umusok 'yong ilong ko ng marealize ang sinabi niya. Ang ayaw ko sa lahat ay ang minamanyak ako. My ghad, I want to kill this damn asshole.

"Gago kang Askal ka! Manyak, manyak, manyak!" habang sinasabi ko iyon ay pinaghahampas ko siya. Tawa lang ito ng tawa sa ginagawa ko kaya lalo akong naiinis sa kanya. Hindi ko aakalain na may natitira pa palang manyak sa mundo. Goodness, mukhang makakapatay yata ako ngayon.

"Shit! Haha. Ang cute mo talaga kapag naiinis!" he exclaimed.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ah so kaya niya ako inaasar dahil cute ako kapag naiinis? Ha, bwesit siya.

Isang sapak ang iginawad ko sa kanya bago kumalma. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito.

"You know what, sana ikaw nalang..." biglang sabi nito.

Anong ako nalang? Magtatanong na sana ako ng mahagip ko ang isang lalaking hindi ko inaasahan na makikita ko.

Si Kenneth!

Nakabullcap ito at naka shades. Nakita kong napatingin siya sa'kin pero agad din itong tumalikod at umalis.

"Why?"

Hindi ko pinansin ang tanong ng Askal na ito imbes ay sinundan ko si Kenneth ng walang sabi-sabi. Ang bilis nitong maglakad at parang may pinagtataguan. Hinabol ko siya sa abot ng aking makakaya pero bigla nalang itong nawala sa aking paningin na parang bula.

Luminga-linga ako. Nasaan na siya? Dumami ang tao sa loob ng club kaya napagpasyahan kong lumabas muna. Namewang ako.

"Hey chow chow!"

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon