Chapter 15

1K 33 0
                                    

Comment and Vote naman kayo.... 😭😭😭

++++++

Freedom

Napagpasyahan ko munang huwag umuwi sa bahay at dito muna manatili sa bahay nina Sabrina. Dito rin nakitulog ang dalawang lalaki para daw may kasama ako. Tamang-tama naman na wala dito ang mga magulang ni Sabrina dahil nasa abroad ang mga ito at inaasikaso ang business nila.

So while waiting for Justine and Michael to come, umuwi kasi ang mga ito para kumuha ng damit, nagluto kaming dalawa ni Sabrina. Hindi ko nga alam na marunong pala itong magluto.

Ako, nagluto ako ng sinigang na baboy at siya naman ay smoke bangus. Ang galing niya.

"Sino nagturo sayo magluto?" hindi ko na napigilang itanong. Biglang sumimangot ang mukha nito sa tanong ko.

"Ang nagturo sa'kin nito ay isang walang kwentang tao!" sabi niya dahilan para tumawa ako. Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya, syempre sino pa ba? Kundi ang magaling niyang Ex na si Kenneth! Bitter iyan e kaya malalaman mo talaga agad kung sino ang tinutukoy nito.

"Stop laughing," inis na saad nito kaya tumigil ako sa pagtawa. Tiningnan ko siya habang tinitimpla ang niluluto ko.

"Bakit nga pala kayo nagbreak?"

Nakalimutan ko kasi kung ano ang dahilan.

"Ano ba ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang dalawang tao?" balik tanong niya sa'kin dahilan ng pagloading ng utak ko. Ano nga ba?

"Maraming dahilan!" sagot ko naman.

"Lahat ng dahilan na naiisip mo iyon ang dahilan kung bakit kami naghiwalay!"

Ang labo naman ng babaeng ito. Isang tanong lang naman bakit hindi niya pa masagot sagot? Pinapaikot niya lang iyong mga sinasabi niya.

"Nambabae?" tanong ko. Gaya ng ginawa ni Zenberg? Naghanap din ba ng mas bata si Kenneth?

Iyong kaninang inis lang ang mukha ngayon dumilim na. Kung magsasalita pa'ko tiyak na bubuga na ito ng apoy. Kaya tinikom ko nalang iyong bibig ko at hindi na naghintay pa ng sagot. Pero nagulat ako ng magsalita ito.

"I saw him kissing the same girl noong nahuli ko siya sa Stag Party ni Mark. That girl is still into him that is why I broke up with him."

Umawang iyong bibig ko. Huwag mong sabihin nagparaya siya? Aba't! Kaibigan ko ba talaga ito?

"What? Bakit mo ginawa 'yon?!" I shouted.

She shrugged and didn't mind what I said. "Kasi iyon ang dapat gawin. Hanggat hindi siya nilalayuan ng babaeng iyon, hindi ako babalik sa kanya. I told him that already pero masyadong malakas ang apog ng Walker na iyon kaya hindi siya tinatantanan ng babae niya. Magsama sila!"

Umirap ito sabay upo sa silyang nasa harapan ko. Pinakatitigan ko siya ng mabuti. Ang masasabi ko lang sa ginawa niya, at some point, tama ito. If Kenneth really loves her, gagawa ito ng paraan para makalayo sa babaeng iyon. Hindi man madali at least sinubukan niyang gawin.

"At ang nakakainis pa, parang pinapalabas ng babae na ako pa ang nang-agaw kaya ayon, hindi ko napigilan ang sarili kong suntukin ang mukha nito. Nakakainis kasi. Binigay ko na nga sa kanya, pepestehin pa'ko! Tsk. That girl is getting into my nerves. She's really annoying."

Natawa ako. Sa lahat ba naman ng kakalabanin si Sab pa talaga. Amazona kaya itong babaeng ito!

"Buti at hindi mo binugbog!"

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon