Chapter 26

832 32 5
                                    

++++

Don't care

"SM what is this?" bungad ni Philip  sa'kin sabay tapat ng newspaper sa mukha ko. Nangunot iyong noo ko sa ipinakita niya.

"Nandito ka kagabi sa party na ito ng hindi namin alam? Hindi mo ba alam kung gaano ka delikadong pumunta doon ha SM? At talagang sumama kapa sa Mr. Vasquez na iyon! He is connected to Olivia Montellano SM! Malay mo kung may binabalak siyang masama laban sa iyo?!"

What the hell is he talking about? Kakauwi ko lang ay ganito agad ang bubungad sa'kin. Pagod ako and I need to rest for awhile. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa Party. Hindi naman ako makauwi kagabi sa kadahilanang kinulong ako ni Zenberg sa kwarto niya. I have no choice but to stay with him for a night.

"Pagod ako Philip. Please huwag mo muna akong sermonan ngayon," sabi ko habang inaantok pa.

Nilampasan ko siya at ganoon nalang ito sumunod sa akin na parang buntot ko. Napairap ako ng wala sa oras sa kawalan. Hindi niya talaga ako tatantanan!

"Listen SM. Kung ano man ang namamagitan sa inyo ng Vasquez na iyon please putilin mo. He is a dangerous man. Kung halimaw si Olivia mas halimaw siya."

Alam ko. Kaya nga gusto kong mapalapit kay Jerin dahil alam kong makakatulong siya sa'kin. Kapag nakuha ko ang loob nito ay matutulungan niya ako laban kay Olivia dahil alam kong kaya niyang kontrolin ang babaeng iyon sa mga kamay niya. Alam ko lahat ng iyon because in the first place this is my plan. My plan is to be with that Jerin Vasquez and make Olivia regret what she did to my foster parents.

Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang mailigtas ang mga magulang ko. Palibhasa kasi wala silang alam sa nangyayari. Hindi nila alam na hawak ni Olivia sina Nanay at Tatay. Dahil akala ng lahat ay nagbakasyon lang ang dalawa sa probinsya pero hindi nila alam na nasa masamang lagay sila.

I want this to over now. Na kahit ayokong manggamit ng tao ay gagawin ko. Kahit na mapahamak ako, okay lang basta matapos lang ang gulong ito. I want this to end.

"I need Jerin Philip. I need him to get rid of Olivia," ito ang sinabi ko bago tuluyang makaakyat papunta sa kwarto ko.

Pagod kong ibinagsak ang katawan sa kama. Hanggang ngayon ay fresh parin sa utak ko ang nangyari kagabi. I sighed. Hindi ko aakalain na may taong gagawa ng ganoon kasama. Marami siyang nilason kagabi at namatay. That person is really heartless.

Oo masama rin akong tao pero hindi ko kayang pumatay ng ganoon. Hindi maatim na gawin iyon. Makakapatay lamang ako kapag gusto kong ipagtanggol ang sarili ko o hindi kaya ang pamilya ko.

Pero ang ginawa ng tao sa party? Natitiyak kong nasusunog na ang kaluluwa nito sa impyerno.

Napatingin ako sa aking cellphone ng tumunog ito. Agad ko iyong kinuha sa pag-aakalang si Sab ang nagtext. Siya kasi ang huli kong kasama bago nakauwi sa bahay. At may nirequest ako sa kanya kaya naghihintay ako ng text niya.

Unknown:

Are you home now?

I sighed again for the second time. I didn't bother to reply because I decided to take a bath. Habang naliligo sa maligamgam na tubig ay napapaisip ako.

Paano kaya kung sabihin ko kay Jerin ang totoong intensiyon ko? Tutulungan niya ba ako? Tutulungan niya ba ako na palayain ang mga magulang ko kay Olivia? Dahil alam kong isang sabi lang ni Jerin sa babaeng iyon ay gagawin niya.

Pero paano kung masamain ni Jerin ang lahat? Imbes na maging okay ang plano ay nasira na kapag sinabi ko ang totoo.

"Hay. Ewan ko sa'yo Sunny. Magpakamatay ka nalang!" sabi ko sa sarili ko pagkatapos ay tinapos ang pagligo.

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon