Chapter 32

855 24 0
                                    

+++++

New

Every passing day, it sucks. Lalong lumalala ang ginagawa ni Olivia lalo pa at isang sikat na modelo ang kinuhanan niya ng itsura. Halos lahat sa social media, siya at si Zenberg ang nakikita kong palaging nagdidate daw.

I hate to see this but I cannot stop myself from stalking Olivia. Halos lahat ng status niya ay patungkol kay Zenberg. Nakakainis lang dahil wala akong magawa. And Reige, tried to warn my friends and I don't know what's going on their minds. Kung naniniwala ba ang mga ito o hindi.

"Nagagalit ka sa tuwing nakikita mo silang magkasama, bakit panay ang search mo sa dalawa ha? Tsk. I don't get girls like you. You are now fuming mad because of what you saw then why are you still looking at the picture? If you really don't want to see it, then burn it! Stop stalking," Reige said, making me more angry.

Alam ko ang pinupunto niya pero hindi niya kasi ako naiintindihan! Gusto ko lang malaman kung ano na ang nangyayari sa taong mahal ko, kung anong ganap nito at kung anong ginagawa niya sa araw-araw.

"Si Zenberg mo lang ang gusto mong makita, then bakit pati account ni Nadia Lemor, pinapakialaman mo?"

"You know what, I hate you! Dapat kasi hinayaan mo nalang akong makalapit sa Olivia na'to para naman matigil na siya sa ginagawa niya!" naiinis na saad ko.

"At anong gagawin mo sa oras na makalapit ka? Wala. Ipapahamak mo lang ang sarili mo so you better wait until everyone knows her secret."

Umingos ako. "Hindi ako pweding maghintay lang Askal! Alam mo na gusto kong matapos agad ang gulong ito kaya bakit pa ako maghihintay?"

"You don't get it, don't you?"

Nangunot iyong noo ko. "What?"

He sighed. "Ang pinupunto ko lang naman ay huwag kang magpadalos-dalos. Lalapit ka sa kanya tapos ano, ni wala ka namang kongkretong plano. You need to plan first before you attack. Hindi pweding puro sugod lang chow chow."

I sighed dramatically. Naiintindihan ko pero hindi niya ako masisisi. Ilang araw na pero wala paring nangyayari. Oo nga at nakita na namin ang kapatid at magulang ko pero hindi pa rin sila safe laban kay Olivia. Hanggat nabubuhay ang babaeng iyon, delikado ako at ang mga taong malalapit sa'kin.

****

Araw-araw parang ganito nalang ang nangyayari. Bubuksan ko ang facebook ko at i-s-stalk ko si Nadia Lemor, magagalit ako sa mga makikita ko at pangangarangalan ako ni Reige sa mga ginagawa ko. Magtatalo kaming dalawa tapos panghuli, ako ang tatahimik kasi lahat ng sinasabi niya ay may punto.

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Basta pagdating kay Zenberg nagma-malfunction ang utak ko.

"Chow chow?" tawag ni Reige sa pinto ng kwarto habang kumakatok.

"Pasok," I said.

Pumasok ito na may bitbit na folder at sa tingin ko ay may ibabalita na naman ito sa'kin. Umupo ako sa kama at hinintay ang sasabihin niya.

"Anong meron?"

"Tingnan mo 'to."

Kinuha ko ang folder na hawak niya at ganoon nalang nangunot ang noo ko ng isa-isahin ko lahat ng papers at pictures.

"What the hell is this Askal?!" pasigaw na saad ko sabay tingin sa kanya ng masama. Ano ito? Bakit ganito?

"As you can see I fake all your death certificates and the incident."

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon