Chapter 25

890 26 0
                                    

+++++

Party

Magkasalubong ang kilay ko habang nakatingin sa lalaking ito na bigla nalang akong hinigit papunta sa kanyang sasakyan. Naglalakad ako papuntang tambayan ng bigla nalang sumulpot ang Jerin na ito sa harapan ko. Muntik ko na siyang bigwasan kung hindi ko lang nakita ang pagmumukha niya. Halos sabunutan ko siya sa kanyang ginawa.

"Hindi ko alam na ganito na pala ang paraan para mag-aya ng date sa isang party," I sarcastically said while rolling my eyes to him.

Ngumuso lang ito at ang sarap pitikin ng bibig nito. Kung nagpapaawa siya o anuman, well, hindi effective. Sa sobrang takot ko kanina akala ko kung sino nang mga tauhan ni Olivia. Akala ko ipinakidnap na naman ako ng babaeng iyon. Buti nalang at hindi ko siya nabigyan ng upper strike ko.

"Sorry. I didn't mean to scare you."

"Ha.ha. Ewan ko sa'yo!" ingos ko dito.

Paano ba naman kasi mag-aaya na ngalang makipag-date kailangan pang gulatin ako. Pwedi naman akong harapin ng maayos hindi iyong kakaladkarin pa ako.

"Sa susunod na gagawin mo ito, naku, ewan ko nalang! Masasabunutan na talaga kita!"

Ngumise lang ito sa sinabi ko at nagsalita. "Hindi na mauulit pa, I promise."

Nagtaas pa ito ng kaliwang kamay na parang nanunumpa. Napairap nalang ako.

"Tsk. Bakit ba kasi ako pa ang gusto mong makadate?"

May Business Party daw kasi siyang dadaluhan at kailangan niya ng makakadate sa party na iyon. At sa kasamaang palad ako pa talaga ang napili niyang maging muse niya. Okay lang naman sa akin pero kasi baka may mangyaring hindi ko gusto. Alam kong delikado.

"Just say yes. Ililibre kita kahit ano pagkatapos basta pumayag kalang!"

Aba! He offered me a bribe to say yes to him. Syempre, bilang isang Pilipina, pinatos ko na ang sinabi niya.

"Madali lang naman akong kausap eh. So ano kailan ang party?"

Napangiti ito ng sobra dahil sa sagot ko. Kinurot pa nito ang pisnge ko dahilan para tingnan ko siya ng masama.

"Mamaya."

"ANO?!—aww."

Napahawak ako sa aking ulo ng mabunggo ito sa sasakyan niya. Paano ba naman kasi bigla akong tumayo, nakalimutan na nasa loob pala ako ng sasakyan nito.

Parang gusto kong maiyak sa sobrang sakit. Shit lang talaga. Pakiramdam ko ay mabo-bobo ako sa ginawa kong katangahan.

"Are you okay?" alalang tanong nito. Tumango ako.

"Seryoso ka ba?! Mamaya? Eh wala pa akong damit!"

Hindi ako prepared! Sana sinabi niya kahapon palang para napaghandaan ko naman. Malilintikan talaga ako nito mamaya.

"Don't worry nabilhan na kita. And you still have 8 hours to prepare yourself. Susunduin kita ng 6:00 pm sa bahay ninyo."

Pinaningkitan ko siya ng tingin. Alam niya ang sukat ko? At alam din niya ang bahay ko? How come?

"Hindi mo alam kung nasaan ako nakatira," sabi ko habang binabantayan ang reaksiyon niya.

"I know. I have connections Sunny. And I told you, I am interested to you. Lahat inalam ko tungkol sa'yo."

Hindi ko alam kung kakabahan ba'ko sa sinabi niya o ano. Talagang pinaimbestigahan niya ako? So kung inalam niya lahat—alam niya kung sino ako at kung anong klaseng tao ang mga nakapalibot sa'kin. But still hindi siya natakot na lumapit. Very interesting.

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon