Chapter 31

798 26 2
                                    

++++

Video Calling

It's not easy to win this game over Olivia but I will do everything to catch her. Naibalik na namin ang pamilya ko kaya ang dapat kong gawin ngayon ay ang hanapin si Olivia para matagil na ito. If catching her will be the death of me then I will do it. Wala na akong pakealam sa buhay ko ang importante ay matapos ko lang ang gulong ito.

I kept in touch to them. Lahat ng ganap nila ay nakikita ko sa social media. Good thing all of them accepted my friend request even Zenberg.

Everytime I opened my account on messenger, someone murmuring me to chat him. I was tempted everyday but I don't want to mess out with my plan. I need to be careful and even if I miss him so much, titiisin ko.

"Look at this Chow chow"

Lumapit ako kay Reige at napatangin sa desktop niya. May ipinakita siya sa aking babae na hindi ko kilala. Pero kapag tinitigan mo ng husto at matagal malalaman mong may kamukha siya. Kamukha niya ang babaeng hinahanap ko.

"This is the new face of Olivia Montellano."

Indeed, she can change her face but not entirely of it. As I can see, the eyes is still the same, her nose, well a bit pointed now, her chin and her lips was different from the old Olivia I've seen before. She looks innocent and adorable right now.

I cannot help myself to shook my head. You are really a smart girl Olivia. You really get what you want by hook or by crook. Akalain mong naisip mo ito? Nagtataka tuloy ako kung sino ang tumutulong sa kanya. Well, sa oras na mahanap kita pati ang tumutulong sa'yo ay ipapakulong ko!

"I want to get close to her Askal."

"No! Pwedi kang mapahamak."

Not going to happen again. Wala naman siyang pinanghahawakan sa'kin kaya malabong mapahamak ako at saka ano ngayon kung mamatay ako? At least I tried right?

"Pero gusto kong makalapit sa kanya!"

"She demonizing a lot of men to get more power Chow chow. If you'll get close to her, there's a possibility that she will kill you. She is capable of doing that so no. Hindi ka lalapit sa kanya."

"But—."

"Listen Chow chow, If you really want to stop her please do what I say. Huwag kang magmadali. There's always an end of everything at may katapusan din ang lahat ng ginagawa ni Olivia. Magpagaling ka muna, your wound is still not okay."

I sighed in defeat. He's right. But really, I want to get close to her. What if I change my features? Identity and everything like what she did? No. It's a bad idea. Ayokong baguhin ang mukha ko dahil lang sa babaeng iyon.

I need to think another way to get close to her, to stop her. Pero paano?

***

Ilang beses akong napamura ng makita ko sa facebook na magkasama ngayon si Zenberg at ang bagong mukha ni Olivia. She's planning evil again! At hindi talaga siya titigil hanggat hindi niya kami nadudurog ng pinong-pinong! At parang gusto ko ring buhusan ng asido si Zenberg sa sobrang katangahan niya. Nauto na naman siya ni Olivia! Nakakita lang ng magandang babae, nahulog na agad sa bitag! Damn you Zenberg!

Boys will always be boys.

Halos durugin ko ang cellphone ko sa sobrang inis. Habang nags-scan ako kanina sa profile niya ay nakita ko ang picture na ito. And guess what, Olivia named herself as Nadia Lemor. Kinuha niya ang identity niya sa isang sikat na model na ngayo'y patay na. Because she is the one who killed the real Nadia Lemor. Para makuha niya ang kasikatan nito at hindi siya mahihirapang magsimula sa umpisa. Oh gracious. Kung mauuto mo ang Zenberg ko, ako hindi!

He tagged Zenberg and there's a caption on it.

Found love in some odd corner of the street.

I puffed in annoyance. Bakit nga ba nagustuhan ni Reige ang walang awang babaeng ito? Ngayon palang ay naaawa na'ko kay Reige. Hindi niya deserve si Olivia, he deserves someone better.

"Anong nangyayari sa'yo?" tawag pansin ni Reige ng makita niya ako dito sa sala na nakatayo at inis na inis na pinupokpok ang cellphone ko.

"Nagsisimula na naman si Olivia sa plano niya! She even used Nadia Lemor's name to get a hold with Zenberg! Napakademonyita talaga ng babaeng ito!" I bawled out.

Ipinakit ko kay Reige ang pinaggagagawa ng babaeng mahal niya at basi sa ekspresyon niya ay hindi na ito nagulat na gagawin iyon ni Olivia. Kilalang-kilala niya na talaga ang babaeng iyon!

"She has a brilliant idea to get to close with her enemy," komento nito. At talagang pinuri niya pa ang bruhang ito! Diba dapat gumawa na kami ng paraan para masira ang plano ni Olivia?

"That's a good thing Chow chow. Bibigyan natin ng babala si Arl na...ang babaeng dinadate niya ngayon ay si Olivia Montellano."

"What?! Hindi sila nagdidate!" pagtatama ko sa sinabi niya. This Askal is getting into my nerves! Dapat magselos din siya katulad ng pagseselos ko! Kasi nga diba magkasama ang mahal ko at ang mahal niya! Pero bakit hindi ko iyon nakikita sa kanya?

"Whatever you say."

"Oh come on Askal, hindi ka man lang ba nagseselos?!"

He shrugged.

"Hindi, kasi hindi naman 'yan ang babaeng minahal ko. Look at that face, do you think I will get jealous if I didn't see any resemblance with Olivia's face?"

"There is! Pareho ang mata nila!" I insisted.

"Look Chow chow, hindi ako selosong tao. Alam ko kung saan ako nakalugar sa puso ni Olivia. At tanggap ko iyon and I was not hoping that Olivia will love me back. Okay na ako na makita siyang wala ng ginagawang masama."

Nakaramdam ako ng awa sa sinabi niya. That's real love but I am hoping that Reige will find someone else that he really deserved. Nasa tama siya kung magmahal.

"Calm yourself down and I will update Arl about Olivia's new identity. So don't worry."

Umalis ito sa harapan ko at pumasok sa kanyang kwarto. Hindi parin mawala ang inis ko pero kahit papaano ay humuhupaw na ito. Kumuha nalang ako ng picture ni Zenberg at ginawang wallpaper ko sa cellphone. Para naman hindi ko siya mamiss.

Pumunta ako sa messenger at tiningnan kung sino ang mga online. Lahat sila naka active now! Nasa kalagitnaan na'ko ng pags-scan ng bigla nalang nagpop out iyong name ni Zenberg sa screen ko. He was video calling me!

"Oh my gosh!"

Nabitawan ko ang cellphone ko sa sobrang gulat. The hell? Tingnan ko ang phone ko sa sahig na patuloy parin sa pagtunog. No way! Hindi niya alam na ako ito. I am Hailey Gustin!

Maya-maya lang ay tumigil na ito kaya pinulot ko ang cellphone sa sahig. Ilang beses kong tiningnan ang calls at hindi nga ako nagmamalik mata. Siya nga talaga ang nag video calling sa'kin.

You can't hide from me forever.

My jaw dropped. No way! How did he know? Talaga bang alam niya o hinuhuli niya lang ako?

No Sunny! Huwag mong isipin ang chat niya!

I tried to convince myself but hell ayaw talaga. Alam niya. Pero kahit ganoon ay hindi parin ako magpapahuli sa kanya! Hindi ako magpapakita sa kanya, sa kanila hanggat hindi tumitigil si Olivia.

.

.

.

Vomment

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon