Chapter 24

844 26 1
                                    

++++

Sobre

Hindi ko alam kung paano ako nakatakas kay Zenberg nang gabing iyon. Basta ang alam ko lang ay biglang may humigit sa'kin at kinuha ako sa kanya. Hindi ko naman masasabi na kinidnap ako dahil pagkagising ko kinaumagahan ay nasa bahay na ako at nakapajama. Walang galos o kahit na anong pasa sa aking katawan. Nakauwi ako ng safe sa bahay. And thanks to that person who helped me stayed away from Zenberg. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kung sakaling nagtagal ang paghaharap naming dalawa.

Hindi na'ko nagtanong pa kay Philip kung sino ang naghatid sakin sa bahay dahil alam ko namang wala itong alam. Sa pagkakaalam ko kasi these past few days ay hindi siya namamalagi sa bahay, ganoon din si Bà. Hindi ko nga alam kung saan nagpupunta ang dalawang iyon. Pero hindi na'ko nag-abala pang isipin iyon. Mas iniisip ko kung paano ko mapapatumba si Olivia Montellano. Hawak niya ang Nanay at Tatay ko kaya dapat maging maingat ako.

"Manang alis muna ako!" paalam ko kay Manang Ann, na naghuhugas ng pinggan.

"Sige maam ingat!"

Tumango lamang ako bago lumabas ng bahay. Medyo bored kasi ako kaya tatambay nalang ako sa Mall ng mag-isa. Hindi ko na yayayain pa sina Sabrina, Michael at Justine dahil nakakatamad silang kasama! Ang K-KJ kaya ng tatlong iyon! Mas mabuting ako nalang ang gagala.

Naglibot-libot ako hanggang sa makaramdam ng gutom. Kumain ako sa Mcdo, nang chicken fillet. Sa lahat ng pagkain dito, ito ang pinakapaborito ko. I ordered also fries, strawberry sundae, chicken burger and coke. Hindi naman halatang gutom ako eh.

Napalabi ako habang nakatingin sa mga inorder ko. Ngayon lang ulit ako kakain nito. Pumalakpak pa'ko bago nagsimulang kumain. Sarap na sarap ako sa kinakain ko ng bigla nalang may sumulpot sa harapan ko na siyang ikinagulat ko ng husto.

"Nagmomove on ka ba?"

"Ay butiki!" mungkahi ko.

Nanlaki ang mata ko ng biglang sumulpot iyong lalaking nakilala ko sa bar! Siya ito at natatandaan ko ng husto. By his looks and appearance, hinding-hindi ko ito makakalimutan.

He chuckled because of my reaction. I pouted my lips and glared at him.

"Ginulat mo'ko."

"Yeah. And I'm sorry."

Sumimangot ako.

"Why are you eating alone?" tanong nito. Napakibit-balikat ako.

"Trip ko lang."

He pursed his lips a bit and he crossed his arms in front of his chest. Parang nananantya.

"Akala ko nagmomove on ka."

"Ahuh! Iyon nga!" mabilis na sagot ko.

Nagmomove on sa nangyari kahapon. Pero walang kinalaman ang Mcdo sa pagmomove on ko! Gusto ko lang talaga kumain dito.

"You want?" aya ko sabay pakita sa kanya ng fries. Hindi naman ito nahiya at kumuha ng isang piraso.

"Bakit ka nandito? At paano mo'ko nakita?" I asked.

"Simple. Ikaw lang ang kumakain dito na mag-isa kaya nilapitan kita. And for your first question, nandito ako dahil hinahanap kita."

Napataas iyong kilay ko sa sinabi niya. Hinahanap niya ako? Really?

"Interesado ka sa'kin," I conclude, kaya ngumite ito at umayos ng upo.

"Hindi ka naman pala manhid."

Book 2: We Meet Again, Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon